hulika

Author Topic: Track recording problem  (Read 4625 times)

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Track recording problem
« on: April 20, 2009, 01:15:34 PM »
Hello.

Ito kasi ang problema ko - hindi ako makasunod sa click track at guide track dahil hindi ko na sila naririnig kapag malakas na ang palo ko sa drums. Kung sarado naman ang hats at mahina ang palo ko, malinaw ang ibang track kaya madali ko sila masundan. Gusto ko sana ay makapalo pa rin ako ng malakas nang hindi nalulunod ang click track or guide track.

Ang gamit kong headphones ay Philips SHP2000, yung standard na headphones. Ang click track ko ay beeping sound with ride accent sa one.

Ano ba ang pwede ko gawin?
« Last Edit: April 20, 2009, 01:18:30 PM by Gep »

Offline phfreq

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #1 on: April 20, 2009, 01:36:17 PM »
yung iba, gusto nila, nalulunod ang click track habang naglalaro sila.. ibig sabihin, kapag hindi nila naririnig, in time sila.. kapag naririnig nila, eh wala na sila sa tyempo.

Looks like ikaw, ang gusto mo eh dinig mo pa rin..

hmmm...

this might help:

http://www.soundonsound.com/sos/aug03/articles/clicktracks.htm



OT:
while searching for click tracks, this showed up. Will definitely be of interest to drummers/music lovers who are also programmers/software engineers/python lovers :-)

http://musicmachinery.com/2009/03/02/in-search-of-the-click-track/

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #2 on: April 20, 2009, 01:43:10 PM »
gep bili ka na lang ng ear muff sa hardware. gamit ka ng in-ear phones tapos ipatong mo lang yung ear muff. malakas na rin isolation nun mura pa

Offline yekoz

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #3 on: April 20, 2009, 01:58:36 PM »
gep bili ka na lang ng ear muff sa hardware. gamit ka ng in-ear phones tapos ipatong mo lang yung ear muff. malakas na rin isolation nun mura pa

i second the motion...  :wink:

i use sony ericson hpm (earphone) and industrial ear muff... hope this will help

Offline sandythedrummer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #4 on: April 20, 2009, 02:09:57 PM »

Ano ba ang pwede ko gawin?

I would say work on your time keeping bro. :-D It takes time going along with the metronome.

Pero eto ginagawa ko pag nag rerecord ako ng tracks.

I'll set the click by 8ths with accent on the Whole note para maliit yung intervals.
"I BELIEVE IN CHRIST LIKE I BELIEVE IN THE SUN. NOT BECAUSE I CAN SEE IT, BUT BY IT, I CAN SEE EVERYONE ELSE....."


Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #5 on: April 20, 2009, 04:31:18 PM »
yung iba, gusto nila, nalulunod ang click track habang naglalaro sila.. ibig sabihin, kapag hindi nila naririnig, in time sila.. kapag naririnig nila, eh wala na sila sa tyempo.

Nagpapraktis lang kasi ako sa pads, so mas ok sakin na hindi ko marinig yung tinatamaan ko. Ang problema ko e once na tumunog na yung cymbals, hindi ko na marinig yung click.

gep bili ka na lang ng ear muff sa hardware. gamit ka ng in-ear phones tapos ipatong mo lang yung ear muff. malakas na rin isolation nun mura pa

Oo nga e, meron akong Peltor construction muffs na ginagamit dati sa gig. Naalala ko lang yun nung na-point out ng mga kabanda ko yun.

I'd really appreciate it if anyone of you would lend his Vic Firth Isolation Headphones.

I would say work on your time keeping bro. :-D It takes time going along with the metronome.

Late ko rin na-realize yung importance ng click track.
I'm working on it. Ok naman ako sa click + pads, iniisip ko na lang kung paano i-translate to a real drumkit.

Thanks for the advices.  :-)

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #6 on: April 20, 2009, 05:32:26 PM »

I'd really appreciate it if anyone of you would lend his Vic Firth Isolation Headphones.


hehehe mawalanggalang na dun sa ibang owner din nung vic firth iso headphones na may speaker pero i have to say that it really sucks when tracking! BIG TIME!

dont worry, owner din ako  :-D ok naman sya kung nagprapractice ka lang pero kung recording !@#$%%^%^%^

isolation is very good pero sobrang pangit ng tunog. its really not good for monitoring at lalong hindi ka maiinspire pumalo kung walang kwenta naririnig mo. another thing i hate about it, yung telephone cord na ginamit nila, sana straight wire na lang kasi hassle sya kapag nasa sahig yung headphone amp or maiksi yung connector. hinihila yung ulo mo pababa kaya hindi comfortable gamitin.

gumawa pa ko ng extension cable para lang nakapulupot na sa leeg ko yung telephone cord at hindi na nanghihila


right now, favorite ko yung audio technica nc500 headphones kapag tracking. sobrang ganda ng tunog pero hindi sya kasing isolated ng vic firth. ok lang yun, may isolation naman sya kahit papano tapos magaan sa ulo at hindi masakit sa tenga.

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #7 on: April 20, 2009, 06:18:25 PM »
right now, favorite ko yung audio technica nc500 headphones kapag tracking. sobrang ganda ng tunog pero hindi sya kasing isolated ng vic firth. ok lang yun, may isolation naman sya kahit papano tapos magaan sa ulo at hindi masakit sa tenga.

Magkano naman yun?

Subukan ko na lang yung earphones + ear muff.
« Last Edit: April 20, 2009, 07:21:31 PM by Gep »

Offline inigo

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #8 on: April 20, 2009, 07:42:40 PM »
Or... yung isang kabanda mo, ipa-nod or ipa-clap mo sa control room where you can see him, para at least kahit hindi mo naririnig ang click, may visual guide ka.
400/hr recording. Banana Rising Recording Studio www.bananarising.com

SOUND SAMPLES: http://www.bananarising.com/p/sound-samples.html

Offline phfreq

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #9 on: April 20, 2009, 10:06:31 PM »
hehehe mawalanggalang na dun sa ibang owner din nung vic firth iso headphones na may speaker pero i have to say that it really sucks when tracking! BIG TIME!

dont worry, owner din ako  :-D ok naman sya kung nagprapractice ka lang pero kung recording !@#$%%^%^%^

isolation is very good pero sobrang pangit ng tunog. its really not good for monitoring at lalong hindi ka maiinspire pumalo kung walang kwenta naririnig mo. another thing i hate about it, yung telephone cord na ginamit nila, sana straight wire na lang kasi hassle sya kapag nasa sahig yung headphone amp or maiksi yung connector. hinihila yung ulo mo pababa kaya hindi comfortable gamitin.

gumawa pa ko ng extension cable para lang nakapulupot na sa leeg ko yung telephone cord at hindi na nanghihila


right now, favorite ko yung audio technica nc500 headphones kapag tracking. sobrang ganda ng tunog pero hindi sya kasing isolated ng vic firth. ok lang yun, may isolation naman sya kahit papano tapos magaan sa ulo at hindi masakit sa tenga.

tried the vf iso phones. definitely not for monitoring. Tracking pwede sya pero dahil sa sobrang laki ng ulo at tenga ko at nakasalamin pa ako, ang hirap gamitin dahil mahigpit, sumasakit ung part na tinatamaad nung eyeglass hook sa tenga.. Ok naman ung isolation nya.

sumubok ako ng sony mdr7506 -- ok sya for monitoring pero pag tracking hindi masyado ok kasi hindi ganong kaganda ang isolation. Pero ang sarap ng comfort. Yung beyerdynamic na dt770, ok din sya for monitoring, comfortable pero hindi rin ganung kaganda ang isolation pagdating sa drums..

ang pinakamagandang solution na nagawa ko (and ginagawa ko pa rin ngayon) eh yung in ear headphones (philips yung ginagamit ko) tapos pinapatungan ko nung ear muffs (yung mga makikita sa hardware stores). Solve na solve.. he hehe.. Relatively mura pa.. ang mahirap lang, parang manipis yung chord, minsan parang nakakatakot kapag nahagip or napalo or natisod or something.. pero ayos naman..


isa pa pala, kung sa practice pads ka and gusto mo ng visual click track, lagyan mo ng piezo or trigger ung practice pad, tapos ikabit mo sa line in ng computer. Then download ka ng audacity, gawa ka ng isang track as click track tapos ung isang track galing dun sa line in.. Makikita mo ko kung in time ka dun sa click, behind or ahead. At the same time, since tumutunog ung speaker ng computer generating the click sound, you really don't need a head phone, kung gusto mo mas malakas, lakasan mo lang ung speakers nung computer.. :-) Ang problema nga lang, lahat ng kasama mo makakarinig nung click :-)

Offline pmack

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #10 on: April 20, 2009, 10:11:57 PM »
Hello.

Ito kasi ang problema ko - hindi ako makasunod sa click track at guide track dahil hindi ko na sila naririnig kapag malakas na ang palo ko sa drums. Kung sarado naman ang hats at mahina ang palo ko, malinaw ang ibang track kaya madali ko sila masundan. Gusto ko sana ay makapalo pa rin ako ng malakas nang hindi nalulunod ang click track or guide track.

Ang gamit kong headphones ay Philips SHP2000, yung standard na headphones. Ang click track ko ay beeping sound with ride accent sa one.

Ano ba ang pwede ko gawin?

pwede mong palitan yung click sound.
kahit ano basta mas intense sa beeping sound with ride accent.
cowbell sounds would be great.

Offline sjon014

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #11 on: April 21, 2009, 06:21:19 AM »
I have the SHP2000 earcans and sadly, despite it being closed-type, hindi ganun kaganda yung isolation nya. Try in-ear.. err.. earphones. Generally, mahal sila if you buy the Sonys, Senns, and the AKGs. But they isolate sound much better. I use in-ears for click tracks or playing along to songs.

Oh, for a good and cheap in-ear brand, try THESE.



They're really cheap (around Php 450), and they can be found in most mall computer shops. They're not Senns, but they're absolutely decent. Ganda ng definition ng highs. Yung lows, present, but not really that meaty.
Pinoydrums Lanyard - North distribution THIS SUNDAY, 2PM, TMS Alimall!
http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,148425.msg1983008.html#msg1983008

Offline MacoySIN

  • Senior Member
  • ***
Re: Track recording problem
« Reply #12 on: April 21, 2009, 09:44:58 AM »
earphones + earmuffs OR earplugs + headphones.

mas ok sakin yung earplugs + headphones hehe.

Offline prjm14

  • Veteran Member
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #13 on: April 21, 2009, 11:25:17 AM »
i prefer in-ear earphones + earmuffs kaso lang hindi na naririnig ung crash.. :lol:

Offline nikogulo

  • Veteran Member
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #14 on: April 21, 2009, 09:00:07 PM »
hmmmm.....ako kasi di ko na nilalagay ng drums sa headphone mix ko...i usually have have the guide tracks recorded with a click. then when its time to record, i tell them to put on the guide, and have a click going on also but the click louder than the guide...

Offline metalmuhlisha

  • Veteran Member
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #15 on: April 21, 2009, 10:24:58 PM »
personal experience ko lang, di ko trip yung metronome na gamit ko ngayon, kaya minsan ko lang gamitin, kaya ayun, di padin sanay sa click track with acoustic drums (iba yung feel e kumpara sa pads/mutes lang w/ click).

pag nakakagamit ako ng tama rhythm watch courtesy of jp, even though i really like the metronome's loud click, mas nakakatulong sakin yung LED lights niya para ma-internalize ko yung tempo. nawawala yung pagiging conscious ko sa click, like it's not there, at nandun yung LED's para i-guide ako. siguro ayokong na-ooverload yung tenga ko kaya mas visual ako pag dating sa metronome/guide/click. ewan. basta, ayun. hope that was useful. :)

kaya next purchase ko yung rhythm watch, wag na muna "high-end snare" (lol).
kung di mo alam, isipin muna ang GMG bago ang lahat: Google Mo, G**O!

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #16 on: April 22, 2009, 10:09:23 AM »
Sinubukan ko sa rehearsal kagabi yung earphones + ear muffs, at naririnig ko ang click track ng maayos kaya ok na ang palo ko sa mga kanta.

Next month pa ang round 2 ng recording.  :-)

Offline yekoz

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #17 on: April 22, 2009, 01:54:49 PM »
Sinubukan ko sa rehearsal kagabi yung earphones + ear muffs, at naririnig ko ang click track ng maayos kaya ok na ang palo ko sa mga kanta.

Next month pa ang round 2 ng recording.  :-)

ayus..... good for you...

Offline skunkyfunk

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #18 on: April 23, 2009, 01:17:36 AM »
Sinubukan ko sa rehearsal kagabi yung earphones + ear muffs, at naririnig ko ang click track ng maayos kaya ok na ang palo ko sa mga kanta.

Next month pa ang round 2 ng recording.  :-)

Di kaya dahil 15" ang hats mo?  Wahehehe.

Good luck.

PS

Ang ganda ng tone mo. Post mo na ang video!

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Track recording problem
« Reply #19 on: April 23, 2009, 11:57:20 AM »
Di kaya dahil 15" ang hats mo?  Wahehehe.

Good luck.

PS

Ang ganda ng tone mo. Post mo na ang video!

Oo, dahil 15" ang hats at 21" ang ride ko.  :-D

Pero partly to blame na rin ang skill ko with the meter. May advice sakin na instead of chasing the click, dapat sa internal meter ako nakasalalay.

Salamat! See you next month.  :-)

Next time ko na i-post yung videos hehe.

jaeidn

  • Guest
Re: Track recording problem
« Reply #20 on: June 29, 2009, 11:53:18 PM »
ako i use the vic firth isolation headphones. when it comes to sound quality hindi tlga kagndahn pero i do appreaciate the sound it produces. compressed kasi ung sound nya ung high freqs is very controlled kaya di sya masakit sa tenga msyado nga lng mahigpit kaya msakit din sa tenga in a way, haha!

i recommend it if you're looking for monitoring headphones. tip lng is dapat mbaba ung volume ng headphones if possible mga 5 lng volume mo kasi isolated sya  and ung acoustic sound ng drums mo ung mgbibigay nung low end and not the headphones itself.

thomas lang uses vic firth iso headphones, hahaha! recommended nya un...:)

one more thing, if you're recording dapat mahina lng palo sa drums not as hard as playing live lalo na sa cymbals dapat controlled and balanced para maiwasan mgclip.

mahirap tlga mgrecord especially playing along with a click track, nakakailang...

god bless...

Offline plep

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #21 on: June 30, 2009, 12:23:22 AM »
i prefer in-ear earphones + earmuffs kaso lang hindi na naririnig ung crash.. :lol:

this is the way to go. kaso personally gusto ko wala nang scratch track, basta metronome diretso sa in-ear tas patungan ng earmuffs. problema ko lang eh pag may tempo shift, kailangan talaga putol, reset metronome, tas saka tira ulit. chop-chop cut paste na lang post prod.

kaso para sa akin mas madali na ako at ang metronome lang ang nag-uumpugan. dahil click lang ang naririnig, hindi masyado nagiging emotional ang palo at mas madali icontrol. nung dating may scratch track ekek pa kami magrecord, inaabot ako 6-8 takes per song  :cry: nasa 2-3 takes na lang nung metronome lang gamit ko (kasama na tempo shifts dun). ang kailangan lang talaga eh kabisado ang kanta at planado ang mga fill / syncopado / bagsakan.

walang accent nga pala ako mag metronome. diretso lang siyang click click click. para pwede sa kahit anong time sig (lalo na sa mga kanta ng banda ko na minsan di ko na nga alam ano metro tinutugtog namin haha)

Offline makLoy

  • Veteran Member
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #22 on: July 02, 2009, 10:37:52 PM »
sir gep ako rin may probLema about metronome ewan ko Lang kung swak sa thread na 'to..

may aLam po ba kayong software na automatic mag-ge-generate ng track kahit nag-i-iba-iba yung tempo ng kanta??

sinubukan ko na kasi minsan mag-record using fruity Loops, oks Lang sa simuLa pero pagdating sa part na nag-iiba yung tempo eh yun ang probLema..


On the time of superstition man created God.. On the time of greed man created War.. -makLoy-

Offline phfreq

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #23 on: July 06, 2009, 10:35:13 PM »
sir gep ako rin may probLema about metronome ewan ko Lang kung swak sa thread na 'to..

may aLam po ba kayong software na automatic mag-ge-generate ng track kahit nag-i-iba-iba yung tempo ng kanta??

sinubukan ko na kasi minsan mag-record using fruity Loops, oks Lang sa simuLa pero pagdating sa part na nag-iiba yung tempo eh yun ang probLema..




not really addressed to me but hopefully this helps:

I've been using drum track   http://sourceforge.net/projects/drumtrack/

reply 4 on this thread   http://talk.philmusic.com/board/index.php?topic=129194.5
reply 3 on this thread http://talk.philmusic.com/board/index.php?topic=124715.0


Offline plep

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Track recording problem
« Reply #24 on: July 07, 2009, 12:10:54 AM »
sinubukan din namin dati yung isang click track na may nagbabagong tempo sa click track mismo na yun. hindi gumana. bakit? kasi sa bawat tempo shift, hahabulin mo pa e. so may isa o dalawang beats na hindi swak bago magnormalize ang palo mo.

1. hindi malinis ang labas ng recording dahil hahabulin mo pa ang tempo shift
2. maguguluhan ang mga kabanda mo sa mga biglaang pangyayari ("ha? ano na tempo? hindi ko gets!!")

kaya pinanindigan na lang namin na bawat separadong tempo, hiwalay na take talaga. para kumpleto may count in at lahat. mas madali magrecord para sa buong banda.

tsaka hindi siya kasing lakas mag ubos ng oras sa studio, kasi di na ganun kadalas magkamali dahil magiging one tempo per take na lang. kesa yung laging retake dahil hindi swak ang tempo shift. kailangan lang kilalang kilala mo yung kanta at yung palo mo.

syempre, iba na usapan kung makina ka na pumalo at kaya mo talaga na swak sa bawat tempo shift. in that case, okay yung suggestion ni phfreq na program. ang guitar pro din may clicktrack na pwedeng paiba iba ang tempo (not to mention pwede mo pa piliin ano tunog gagamitin mo sa metronome)
« Last Edit: July 07, 2009, 12:14:20 AM by plep »