Ito yung ginagawa kong exercises lately ngayong na-appreciate ko nang buo ang value ng click:
- Practice ka ng rudiments at 60 bpm, as in one hit per second. Then practice ka ng groove at 60 bpm.
- Subukan mo gumamit ng click sound na hindi defined yung hit niya, so sa halip na cowbell or other percussive sound, subukan mo yung slightly long na beeping sound. That way, ang palo mo ay hindi on the dot, at pwede mo ilagay yung palo mo sa simula, sa gitna o sa dulo ng bawat beep.
- Try mo aralin yung mga kantang may hint ng shuffle time. Ang ire-recommend kong i-play along mo e yung verse part ng "Walking On the Moon" ng The Police at "When the Levee Breaks" ng Led Zeppelin.
Speaking of "Walking On the Moon", sana mapanood ninyo ito: