makakabili ka ng lifter sa TMS. mapex ac909 pero hindi yun pwede regular tom hoops. kailangan palitan mo ng pang bass drum hoop din para may kapitan.
eto yung 16" converted bass drum ko. masyadong malapit yung beater sa edge kaya walang oomph yung bass at tunog plastic sya.
solution: maglagay ng bass drum lifter para medyo lumapit sa center yung beater
pero ang problema naman, lumayo masyado yung yung beater sa head dahil kailangang ilayo mo ng konti yung footboard sa hoop kasi tumatama sya. ang solusyon, either gawan ko ng slot yung hoop o mag bend na lang ako ng beater. pinili ko yung bend ng beater para hindi humina yung hoop.
gawa ko lang yung hoop, wala kayo mabibili dito at sorry wala na ko mabibilan ng materyales kaya hindi na ko makakagawa ulit sa ngayon
tips:
1. kailangan mo lagyan ng butas yung front head mo. masyadong weird yung pakiramdam kung sealed yung front head
2. always use lots of muffling, tunog kweba kasi kung walang laman yung converted bass drum.
3. kung gagamit ka ng pearl jungle adapter, siguraduhin mo muna na perfect triangle yung placement ng floor tom mounts mo. kasi kung hindi perfect yun, tabingi yung tayo ng floor tom. madalas problematic ang mga 6 lug floor toms para sa pearl jg adapter. warning lang.
4. wag mo putulin o ibaba yung beater para tumama sa center. mag iiba yung pakiramdam nung pedal mo at mas mahirap tumugtog. use a lifter instead OR DONT USE ANYTHING SMALLER THAN 20" FOR A BASS DRUM hehehe