nagyari sakin three weeks ago to... sa birthday party lang naman... nauna kami tumugtog... pagkatapos namin, may lumapit sakin na gitarista, tho kilala ko naman pero hindi sha malapit na kaibigan sakin, sabi nya: "frehh, next na kami... peram nalang ng gitara mo saka pedalboard, wag mo na alisin para hindi na ako mag set up." pero meron siyang sariling dala ah... tinatamad lang siguro mag setup...
sabi ko sa kanya with a smile: "ayoko nga, akin 'to e, meron ka namang sayo... kunin mo yung sayo." sabay ligpit...
tapos naalala ko tong thread na 'to... hindi ako nahiya sa kanya, pagtapos ng tugtugan, nakipag inuman pa...
kaya wag na kayo mag alibi... daretsohin nyo lang. daridaritso lang.
rock!