hulika

Author Topic: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?  (Read 4930 times)

Offline gido

  • Senior Member
  • ***
Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« on: September 23, 2009, 02:05:37 AM »
Any ideas or techniques para mag mix ng drums sa mixer? Balak ng church namin mag mic in ang drums namin pero wala akong ideas kung panu mag mix ng drums sa mixer. or ideas sa paglalagay ng mic sa drums.. i hope you can help me..... mga sir! :?

Offline phfreq

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #1 on: September 23, 2009, 02:30:46 AM »
may mga church akong napuntahan na hindi na ipinapasok sa mixer/mina-mic ung drums kasi malakas na ung sound nung drums and ung drummer na ung nagtitimpla ng volume relative dun sa iba pang musicians.

Ano ung objective bakit gusto isama sa mixer ung drums? dahil ba irerecord, or para matimpla, etc.? Depende sa sagot dito ung magiging suggestions. Kasi pwedeng maging all out na close mic'ing lahat or pwedeng isang mic lang para sa buong kit or combination.

Look for the thread drum recording and hopefully magbibigay ng konting ideas yon.

Offline gido

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #2 on: September 23, 2009, 02:40:57 AM »
actualy madami reason?? una for recording, 2nd pag may church activities outdoor we need to mic the drums na dapat marinig ung buong set.. and my friend na nagpapatulong sakin kasi my bagong business sya na pa rent ng soundsystem, one time pnapihit ako pero di ko talaga makuha ung mixing for the drums.. gusto ko sana malaman kung anong tamang mixing for snare, toms, hihats or cymbals, lalo na ung bass drum..

ung church namin naka overhead mic lang sya.. then may mic for the bass drum..pero my times talaga na we need to mic all the sets. kaya lng ala akong ideas kung panu ma mix.. i tried to goggle kaya wala akong makita.. gusto ko din malaman kung anung mga e.q. ang pwedeng gawin..

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #3 on: September 23, 2009, 03:28:42 AM »
masyadong malawak na discussion yan bro. mas madali mo maiintindihan kung ibreakdown mo yung

1. yung drums mismo, well maintained ba? maayos ba yung heads at cymbals? may marunong ba magtono?
2. mics, anong meron ka?
3. mixer, anong meron ka?
4. anong mga rack effects/processors ang meron ka? noise gate? compressor?
5. speaker/amp mo pano nakasetup? biamp/triamp o naka fullrange? kamusta yung stage monitors?

pwede tayong mag skip sa drums at mag focus sa mics/mixer/electronics pero sa tingin ko mas mahalaga talaga yung tunog ng drums. kasi kapag maganda na tunog nun, sunod sunod na yan

Offline gido

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #4 on: September 23, 2009, 04:07:03 AM »
sir wala naman po problem sa drums. grectsh catalina ash ung drum, walang problema sa tono ng drums, the mic are sm58 condenser mic. my samsonic drum mic din kami,full range ang setup, we use wharpdale for the house and b3.. the monitors is b3. kYA lang wala talaga akong idea pag e.q. ng mixer na.. khit position lng ng mga high, high mid, low mid and low equalizer. filing ko kasi dun lang, sa mga effects kumpleto naman kami. wala kami problema sa ibang instruments xcept dun sa mixing ng drums.. kasi d namin mlabas ung tunog ng drums... 


Offline phfreq

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #5 on: September 23, 2009, 04:23:46 AM »
medyo malawak nga yung tanong / kailangan pero don't be overwhelmed.  Unti unti lang, hindi kaagad matututunan un. For starters, try searching "sound engineering basics". Maraming lalabas na results and try reading/understanding them. This should hopefully give you the basic concepts.

With respect to eq and mixer, a good place to start is the manual of the mixer (kung available). Kahit siguro paano may nakasulat dun na description nung mga knobs/faders/etc. Then isa isang i-search yung terms na hindi naintindihan.

Tapos, depende sa mic'ing technique and sa placement ng inputs, apply lang yung "frequency spectrum" concepts nung individual drum items sa mixing. Cymbals are normally on the high end of the frequency spectrum. Snare is somewhat in the middle and the bass in the low. So, depende sa gusto mong maging tunog and depende sa mga mics na nakakabit, pwede mo adjust ung mga eq ng baway mic or inputs para ma-achieve mo ung gustong sound. If you want a "trebly" sound, increase the highs. Kung lows naman, then yung lows.

yung drum mic'ing, isang malaking topic din yan.. he hehe...

unti unti lang maiintindihan din yan.

And syempre, sabi nga nila -- "push buttons / turn knobs / slide faders" -- essentially, experiment ka tapos tignan mo ano nangyayari sa tunog. Based sa result ng experiment mo, magkakaron ka ng idea ano ginagawa and ano nangyayari sa bawat change. Doing and playing around helps a lot in learning ;-)

good luck.
« Last Edit: September 23, 2009, 05:06:30 AM by phfreq »

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #6 on: September 23, 2009, 04:43:49 AM »
kung maganda tunog ng drums mo, hindi mo na halos gagalawin yung eq

para ka na ring nag eq kung makukuha mo ng tama yung positioning ng mic. spend some time trying to learn the sound of each drum while moving the mic closer,farther or sideways.

samson qkick yung ginagamit mo sa bass drum? ok na yun. mas madali lagyan ng mic yung bass drum kung may butas yung front head. personal preference ko yung 4" to 5" hindi dahil sa may hocus pocus na tuning, kundi para kasya yung kamay ko para iadjust yung mic sa loob at may daanan ng wire palabas. mas gusto ko rin kasi na nasa loob ng bass drum yung mic para mas mailalapit ko sa beater at dun ko mapapalabas yung defined na kalabog nung drum. tangalin mo muna yung front head ng drum tapos kuha ka ng drummer para patunugin consistently yung bass drum tapos hatak ka pa ng isa pang assistant na magmomove nung mic sa bass drum. kapag narinig mo na yung gusto mo, saka mo na ifix yung stand at ibalik yung front head.

marami ka makikita na nakapasok slightly yung mic sa butas ng head, well its ok, it works but i feel it makes you work harder to get a defined attack. madalas pa ugong lang yung nakukuha ng mic.

final tweak siguro e babawasan ko yung 80hz sa channel eq  para hindi sila mag agawan ng bass guitar at magdadag pa ng 5khz or 7khz para lumabas yung click sound

kapag naglalagay ako ng mic sa loob ng kick, usually nagsisimula ako mga 6 to 8 inches ang layo sa beater nung mic. nakatutok sa gitna tapos ipapaling ko slightly sa kaliwa o kanan yung mic para hindi direct na nakatapat sa beater. maooverload mo kasi agad yung mixer input mo kung tutok na tutok yung mic sa beater lalo na kung wala kang compressor. meron ako nung mini podium mic stand para kasya sa loob ng bass drum.

also, add muffling sa loob ng bass drum para hindi magtunog na galing sa kweba yung bass drum mo. marami din ako nakikita na naglalagay ng maraming muffling pero hindi naman dumidikit sa heads e walang silbi yun. kailangan mo idikit sa mga head yung muffling para umepekto hehehe

these are all based on my personal experience...marami ka pa mababasa sa internet na iba ibang style. walang tama at walang mali, basta nagustuhan mo yung tunog ok na yun

Offline gido

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #7 on: September 23, 2009, 04:56:44 AM »
Sometimes natataka din ako s mga bar na natutugtugan ko kasi ung mga drum set na nandun wala minsan sa tono.. talagang pangit ang sound ng drums, pero pag nilabas na sa house grabe ang tunog. kaya naisip ko wala drums nasa mixing talaga sya. almost 1 inch ung taas ng mic sa mga skin ng drums sa placing ng mga mics. for the bass drum almost katapat ng beater ung mic na nakapasok ng almost 2 inches ung mic. pero ugong mostly ang tunog. nag try din ako itaas ung high e.q. kasi gusto ko din makuha ung tunog basa ng bass drum.
 
Nag research ako sa net about this pero wala akong makita makita. meron man pero sobrang basic.. i try to to do the basic things n sinabi sakin ng mga tech sa mga bars na tinutugtugan ko and then inaply ko.. its not working and wala talaga akong idea. lam ko malaking topic at d basta basta matutunan.. pero salamat mga sir for the info.. baka may may suggestion kayo sir.. specialy sa mixing ng snare dito talaga ako nahihirapan, and sa bass drum... pwede din sa whole set ng drums.   :?

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #8 on: September 23, 2009, 05:03:57 AM »
snare - ok na rin yung samson qtom o qsnare na mic

again personal setting ko ulit: at least 3 inches ang taas nya sa batter head tapos ipapasok ko ng mga 2 inches yung ulo ng mic at nakatutok papunta sa center ng snare. kapag masyadong ringy yung snare, naglalagay ako ng masking tape sa head directly sa ilalim nung mic. hindi mo na kailangang i muffle yung buong drum like maglalagay nung plastic o-ring. pero bahala na yung drummer dun kung san sya masaya. ganyan din minsan sa toms.

pero gamitin ang tenga, wag ang mata. starting point lang yun. mapapansin mo na habang nakatutok sa center yung mic e malakas yung wapak tapos habang papunta sa gilid ng drum yung mic e lumalakas naman yung ring na overtone. again, para ka na ring nagtitimpla nyan ng eq. best done with a drummer and an assistant.

sa mixer eq, papatayin ko ng todo yung 80hz. kapag may vocalist na, babantayan ko yung 3khz kasi madalas nagaagawan sila ng vocalist e di syempre yung vocals dapat mangibabaw kaya babawasan yung 3khz sa snare. ibaba mo na rin yung volume


----------------------
isa pa palang mahalaga na di ko nabanggit kanina e yung paggamit ng trim sa mixer. kapag nagseset ako ng trim. nilalagay ko sa unity yung fader tapos iaangat ko ng unti unti yung trim hanggat kaya bago magfeedback. magbabago yung setting kung may compressor, reverb o anumang effects dun sa channel na yun. nakakadagdag kasi ng level yung mga effects kaya minsan ibinababa ko pa yung trim.


Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #9 on: September 23, 2009, 05:16:42 AM »
Sometimes natataka din ako s mga bar na natutugtugan ko kasi ung mga drum set na nandun wala minsan sa tono.. talagang pangit ang sound ng drums, pero pag nilabas na sa house grabe ang tunog. kaya naisip ko wala drums nasa mixing talaga sya. almost 1 inch ung taas ng mic sa mga skin ng drums sa placing ng mga mics. for the bass drum almost katapat ng beater ung mic na nakapasok ng almost 2 inches ung mic. pero ugong mostly ang tunog. nag try din ako itaas ung high e.q. kasi gusto ko din makuha ung tunog basa ng bass drum.

madalas kasi feeling mo lang na maganda tunog kasi mas malakas. mas ramdam mo. i-record mo sya at dun mo maririnig na pag pangit ang kit, pa rin ang nakukuha ng mic

---------------------------
sa overhead madami dyang config. may XY pair, may wide stereo, may blumlein etc. trabahong tamad ako madalas kaya XY ang palagi ko ginagawa using 2 pencil condensers. redundant na nga e. kung live kahit di ka na maglagay ng overhead kasi masasagap naman ng mga tom/snare mics mo yung cymbals. para lang may masabing may overheads kaya naglalagay na lang din ako. tapos directly above sa ulo ng drummer. pilit ko kinukuha yung naririnig ng drummer.

syempre kailangan mo i-pan yung mics, extreme left and right palagi ako

eq wise, todo negative yung 80hz. boost ko ng konti yung 16khz o kaya iturn on ko yung air eq (kung mackie mixer). konting bawas sa mids para hindi maging muddy yung tunog ng snare.

Offline gido

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #10 on: September 23, 2009, 05:44:59 AM »
thanks sir... tanong ko lang, parehas lang po ba ang mic'ng ng recording sa mic'ng for live? pati mixing?

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #11 on: September 23, 2009, 06:02:14 AM »
oo pareparehas lang yan. nagkakatalo na lang talaga sa venue. sa studio kasi controlled at treated yung environment kaya madalas mas maganda tunog. sa live naman madalas walang acoustic treatment yung lugar kaya tsambahan yung tunog

walang magic, just keep on practicing

Offline bizgroove

  • Netizen Level
  • **
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #12 on: September 30, 2009, 12:55:41 AM »
Yeah, malawak ang topic na ito.  I am assuming you are mixing for live. Aside from very good drum mics ( i use sennheisers ), the next best investment your church can make are gates/noise-gates.  This is very important to mantain the integrity of what your drum mic is picking up and eventually reproducing.

Assuming you have a very good drumset and great skins and drum mics, very little adjustment should be made on your eq.  If your church can afford it , invest in very good graphic eq's (pwede na 15-band, better ang 31-band) per mic. For effects, i would just apply this on the mic-group and pick an effect that would sound best in the location you are in.  I hope this helps.

Offline otepandrew

  • Veteran Member
  • ****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #13 on: November 15, 2009, 09:22:52 PM »
sir tanong lang po ano po mas maganda?? lahat ng tom, floor tom, snare at mga cymbals, bass drum naka mic oh naka ung drums naka fiber glass tapos isang mic lang sa taas??
biginner drummer

Offline unnailed

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #14 on: November 15, 2009, 11:12:15 PM »
pwede na yung 2 mic pag naka iso... isa sa bass and isa sa taas... :-)

Offline pmack

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #15 on: November 15, 2009, 11:53:58 PM »
sir tanong lang po ano po mas maganda?? lahat ng tom, floor tom, snare at mga cymbals, bass drum naka mic oh naka ung drums naka fiber glass tapos isang mic lang sa taas??

syempre, kung no limit ka sa budget, mas maganda naka mic lahat. para matitimpla mo up to the nth degree lahat ng drums/cymbals/percussions.
pero, may mga alternatives pa rin. makakakuha ka ng kasing ganda o minsan mas maganda pa na tunog with lesser or different mic setups.

isang mic sa taas? hmm, pwede rin.
pero pag ako nag-eexperiment minimum 2 mics kung pwede. glyn johns mic setup http://www.danalexanderaudio.com/glynjohns.htm (special thanks to peeves a.k.a. papa pao for being my online mentor.)

may isa pang ok na mic placement "recorderman mic placement" http://recording.org/ftopic-9909-days0-orderasc-15.html (si papa pao rin nagsabi sa akin) pero personally di ko pa natry.

Offline otepandrew

  • Veteran Member
  • ****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #16 on: November 16, 2009, 07:58:10 AM »
syempre, kung no limit ka sa budget, mas maganda naka mic lahat. para matitimpla mo up to the nth degree lahat ng drums/cymbals/percussions.
pero, may mga alternatives pa rin. makakakuha ka ng kasing ganda o minsan mas maganda pa na tunog with lesser or different mic setups.

isang mic sa taas? hmm, pwede rin.
pero pag ako nag-eexperiment minimum 2 mics kung pwede. glyn johns mic setup http://www.danalexanderaudio.com/glynjohns.htm (special thanks to peeves a.k.a. papa pao for being my online mentor.)

may isa pang ok na mic placement "recorderman mic placement" http://recording.org/ftopic-9909-days0-orderasc-15.html (si papa pao rin nagsabi sa akin) pero personally di ko pa natry.

ok po thanks po eh kung sakali lagyan ko lahat ng mic ano pong mic ang maganda ilagay? kahit mura lang?
biginner drummer

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #17 on: November 16, 2009, 08:42:38 AM »
mura? samson mics

pero bro/pre/dude/tsong mali ata naiisip mo kung kala mo mura ang mics. mas mahal magagastos mo sa cable kaya  :-P

hindi sapat yung onboard eq ng mixer. to utilize and get a clean and clear fully mic'd drumkit, you'll need at least 2 more rack compressors (for snare and kick), at least 6 rack eqs to tailor the sound of your toms and overheads. minimum pa yan, minsan maganda rin may gates ka pa sa lahat ng mics. kung wala ka ng mga nyan, mag 4-mic setup ka na lang (glyn johns) kasi dudumi lang yung tunog nyo overall.

minsan mas klaro talaga kung mas konti ang mics, hindi naman yata kasing laki ng araneta coliseum yung venue no? kaya lang kung mas konti ang mics, kailangan mo ng magaling na drummer...hindi yung drummer na madaldal sa kit ha, i mean yung drummer na balanse ang tunog kapag pumalo - pantay ang lakas kick at snare at medyo mahina sa cymbals. madalas kasi sa drummer mas malakas yung mga palo ng kamay kesa sa padyak ng paa e, kung ganun sabihan mo na lang yung drummer nyo na magpractice pa hehehe

mas mura yun kesa bumili ng mics  :evil:
« Last Edit: November 16, 2009, 08:43:56 AM by peeves24 »

Offline barada

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #18 on: February 28, 2010, 10:50:01 PM »
mga sir tanong ko lang po kung masama po ba i-house sa mixer yung bass drum mic with other instruments like guitar, keyboard etc? kailangan po ba talaga ng separate na mixer,amp & speakers para dito? thanks! :-D

Offline meinldrummer

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #19 on: March 04, 2010, 07:35:38 PM »
If pag live setup, mas mainam na mag aux fed sub ka. Kelangan mo ng mga subwoofers as lows aside from your active speakers sa highs. Pag outdoor kase kelangan mo na ng mas malakas na output and one way to do it is to go aux fed. Ganyan din naging problem ko nun nagsisimula ako magtayo ng soundsystem dati. Lahat ng mix ko nakapasok sa crossover ng driverack kaya hirap timplahin ng mga lows. Lalo na yun kick.

Aux fed sub gives you the power to isolate the lows in a mix para dun lang lalabas yun lows sa subs. Meaning kung ano lang gusto mo lumabas sa subs yun lang lalabas ex. bass drum, bass guitar, keyboard lows...

Mas gaganda yun tunog ng kick kase mas matitimpla mo ng maayos. Then timpla na lang sa eq using your ears.  :-D
En Masse Sounds and Lights. For musicians by musicians...

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #20 on: March 04, 2010, 08:05:20 PM »
and buy a dedicated eq for your sub amp

Offline jho@yahoo.com

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #21 on: March 05, 2010, 10:16:35 AM »
Good day!!! po mga sir's ask ko lang po kung okey lang po yung set up ng sound system sa church namin. yung mixer po namin is yamaha mg series tapos nakasaksak na po dun lahat ng output ng mic's para sa vocal's,drum mic's,output ng 2 keyboard,2 electric guitar,1 aucostic,and bass guitar. then yung output nung mixer papunta sa crossover na berringer 2,3,4way pero naka set po sya ng 3 way naka saksak po sa high ng crossover yung qsc 2450 na amp papunta sa jbl na eon yung mid naman sa berringer 2500 papunta sa jbl jrx 100 yung low sa bts 2400 papuntang soundtech na sub lahat po sila naka stereo.yung para sa monitor nakasaksak sa aux 1 & 2 ng mixer mismo diretso ng atlantic pro 400 na amp papuntang peavey speakers. yung e.q. at compressor naka saksak din sa mixer. ask ko lang po kung sa ganitong set-up wala po bang magiging problema as time pass by, and ano po bang gamit yung kailangan namin para matangal yung tunog na parang psssssssst. medyo mahina naman po sya kaya lang pangit paring pakinggan eh!!! paki korek narin po kung may set-up po kmi na mali!!! GOD BLESS PO!!! :mrgreen:
« Last Edit: March 05, 2010, 03:53:13 PM by jho@yahoo.com »
REJOICE!!! GOD HAS ALREADY CHOOSE HIS ARMY!!!

Offline meinldrummer

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #22 on: March 05, 2010, 03:01:29 PM »
Mas maganda nag aux fed sub setup kayo. Better to simplify the mix. Gawin na lang fullrange yun tops mo. lagyan na lang ng equalizer and compressor. Then use the behringer crossover for the subs.

Instruments and vocals go to mixer then connect to equalizer then to compressor/limiter then to the amplifiers of the eon and jrx speakers.

Then connect the crossover to the aux of the mixer then sa amp ng subs.

sa mixer, tweak mo na lang yun aux knob na pinasukan mo ng sub para mapalabas sa subs yun mga lows ng gusto mo.

nasa channel1 yun kickdrum, tweak the aux knob of that channel para lumabas yun kick dun sa subs. Then do the same dun sa mga gusto mo papalabasin sa subs like bass guitar, keyboard lows...

better puntahan natin yun church nyo to see...

En Masse Sounds and Lights. For musicians by musicians...

Offline gido

  • Senior Member
  • ***
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #23 on: March 08, 2010, 06:02:40 AM »
may tanong lang po ako about sa nagamit kong bass drum.. kasi may trigger sya at the same time may mic din na nakalagay sa bass drum.. parehas lang po ba ng mixing ang triger saka ung sa mic n ginagamit dun?

Offline jho@yahoo.com

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Any ideas how to mix drums in mixer or mixing console?
« Reply #24 on: March 09, 2010, 08:24:21 AM »
Mas maganda nag aux fed sub setup kayo. Better to simplify the mix. Gawin na lang fullrange yun tops mo. lagyan na lang ng equalizer and compressor. Then use the behringer crossover for the subs.

Instruments and vocals go to mixer then connect to equalizer then to compressor/limiter then to the amplifiers of the eon and jrx speakers.

Then connect the crossover to the aux of the mixer then sa amp ng subs.

sa mixer, tweak mo na lang yun aux knob na pinasukan mo ng sub para mapalabas sa subs yun mga lows ng gusto mo.

nasa channel1 yun kickdrum, tweak the aux knob of that channel para lumabas yun kick dun sa subs. Then do the same dun sa mga gusto mo papalabasin sa subs like bass guitar, keyboard lows...

better puntahan natin yun church nyo to see...


 GOOD DAY!!! maraming salamat po sa comments mo sir malaking tulong po yung mga sinabi mo para mapa-ayos yung output ng soundsystem namin. Try po muna namin gawin yung sinabi mo then will pm you kung ano po yung kinalabasan. tnks po ulet, GOD BLESS PO AND MORE POWER!!! :lol:
« Last Edit: March 09, 2010, 10:38:36 AM by jho@yahoo.com »
REJOICE!!! GOD HAS ALREADY CHOOSE HIS ARMY!!!