worst experience ko eh yung kuyugin ka ng isang buong "gangsta" para lang mahiram yung mga gamit namin
pinatugtog kasi kami ng baranggay captain sa baranggay nila then nung patapos na yung final set me mga lalaki na gusto daw maki "jam" (kasi sa kalsada yung setting) eh madaling araw na nun tapos wala na din halos nanonood, pauwi na din kami, so politely kami nag decline kasi nga patapos na yung set (at the same time, di namin kilala).
then after a few minutes mga 20 or 30 na mga kabataan na mukhang mga "gangstas" yung lumapit sa amin, kasamahan pala nung nanghihiram, sabay pakiusap samin na kung pwedeng mahiram yung gamit namin, mag ja "jam" lang daw sila. Me mga ilang nagpapakinig na "wag nang palabasin (ng baranggay) yang mga yan!! at "banatan na yan!!"
so we have no choice, eh nasa stage na sila eh. ayun nag jam jam na sila dun with matching mosh pit pa. At nga pala, tapat ng baranggay hall yun, yung mga tanod at bgy captain nasa opis, nagchichikahan lang, walang pakialam sa nangyayari.
lesson learned. pag mga gigs sa "hostile" area, wag na magdala ng bonggang bonggang gitara. kung me reserve na gitara, yun na lang ang dalhin.
(sorry medyo mahaba hehe
)