a very long time ago, mga 1989, skalawags ang banda ko nun. si chikoy pura ng skavengers (and jerks) naawa sa akin kaya pinagamit niya gadget at gitara niya at siya na rin ang nagtimpla... thanks chikoy. 1989 rin yata, nag front yung all faculty band namin sa st.scho for afterimage and the dawn, si francis reyes tinanong kung may effects ako, sabi ko wala kaya same story, nagpahiram, nagtimpla, nagturo... thanks francis. Nung araw,ang gitara ko ay fender jaguar na pampanga immitation na nabili ko ng P300 at pinapintahan sa talyer kasabay ng kotseng itim.. alang gadget, assemble na kurdon, belt ng tatay kong pulis ang strap... those were the days, it's really nice to reminisce.