Sa gig dati merong nanghihiram sakin ng gitara. Ayoko sana magpahiram kasi mauuna sila tumugtog samin, feeling ko malalaspag na ng iba ang gitara ko bago pa ako ang makagamit. Etong nanghihiram, mapilit talaga. Ayaw ako tigilan. Sinabi ko nang may iba namang pwede hiraman dyan, yung sakin talaga trip na trip nya kahit mumurahing gitara lang. Sige, pinahiram ko na.
Ang hindi nya alam, sira yung volume control ng gitara ko nung time na yun. Parang 99% ng angle ng volume knob, nawawalan ng output ang gitara, meron lang maliit na "sweet spot" kung saan gumagana sya. Di ko pa napapalitan ng pots nung time na yun.
Pag-akyat nila sa stage, tinesting pa nya. Tumutunog pa, syempre iniwan kong naka-dial sa "sweet spot" kasi ako sana gagmit. Ayun, tugtog sila. Hinihintay kong galawin nya ang volume knob. hahaha
Sa kalagitnaan ng pagtugtog, ayun na nga, pinihit niya yung volume knob. Biglang nawala tunog nya. Nakita kong medyo nagpanic sya, di alam kung bakit bigla sya nawala. Pinihit nya ulit, wala padin siyang tunog. Hanggang natapos ang set na wala syang tunog.
Lesson: Kung ang mga hinihiraman ay ayaw magpahiram dahil wala silang tiwala sa nanghihiram, di din dapat pagkatiwalaan ang hinihiraman
P.S.
Pagkatapos ng set nila, sabi nya sakin, "kuya nawalan ng tunog". Sabi ko lang "hala, ano ginawa mo?" Pero nung kami na umakyat sa stage, habang nagse-set up, hinanap ko yung sweet spot. Nakatugtog kami ng maayos.
Di ko na sya nakita after ng set namin. Baka umalis na. Sa kabutihang palad walang nag-abang samin sa labas. Alam nyo naman ang pag-iisip ng mga ganung tao. hahaha