dito sa rizal dami nyan, lalo na sa montalban, taytay, cogeo, antipolo.. kung nagmamadali ka, pwede to. oo express nga talaga ang byahe, ang downside lang e:
1.) madalas hindi nanunukli ng tama, haggat mauutakan ka sa sukli, gagawin nila. kelangan mo pa umapila.
2.) hapit sa pasahero, kahit di pinapara, titigil parin. oo, kelangan nila kumita pero keailangan ba na twing me nakikita silang nakatayo sa gilid ng kalsada e paparahan nila?
3.) sa lakas ng sounds, di nila naririnig ang mga nagbabayad at pumapara. dyan pumapasok ang imbensyong "full d string 2 stop".
4.) walang konsiderasyon sa ibang pasahero. iba bastos pa. naalala ko dati, me nakasakay na matandang babae, pumapara sya ng pasalita, hindi nya hinatak yun lubid para huminto, e malakas pa ang tugtog, bumabayo kaya para sya ng para, ng nakatigil na yun jeep, bago siya bumaba, sabi nya sa driver at konduktor e hinaan kasi ang tugtog nila kasi hindi daw marinig ang mga pasahero. pasigaw na sabi ba naman ng konduktor e, "edi sana hindi ka nalang sumakay kung naiingayan ka!"
5.) ganitong mga jeep ang madalas sakyan ng mga snatcher at laglag-barya gang. kaya hindi rin minsan mapigilan na isipin na pag may ganong insidente, ay kasabwat nila ang driver at pasahero.
base lang yan sa obserbasyon ko, ewan ko sa inyo kung me iba pa kayong napapansin.