Gusto ko noon ng EMG 81/85 tone kaya lang gasgas na ata sa pandinig ko ang setup na ganyan. Yung mga kombong metal na pinapakinggan ko ngayon gaya ng Mastodon, Baroness, Fu Manchu, Shrinebuilder, tsaka Converge, mas conventional ang gitarang gamit nila. Gibson ang karaniwan nilang gamit (para sa Converge, Telecaster pa nga). Sa amp talaga nila kinukuha ang pagka-metal ng tone nila.