Galing ako TMS Ali Mall Cubao kanina, puro pang Les Paul karamihan ng stock nila, pre-slotted and blank mapa TUSQ, TUSQ XL or Black TUSQ (pang strat kasi hanap ko).
Nagtanong ako sa isang lalaki yung long-hair, sabi niya wala na daw natira pang strat. Yun nalang daw stock nila, pinapa-ubos nalang nila kasi wala naman na daw ibang parating. Di ako nakuntento kaya inisa isa ko nalang yung nakasabit
. Ayun, may nakita akong isang pang strat, pre-slotted na siya yung nga lang pang lefty. Naghalungkat pa ko then may nakita pa ko kaya lang blank (dunno how to cut a slot tough).
Okay lang naman, pwede naman ako magpatulong sa mga luthiers kaya lang nung sinukat ko (yep, may dala akong pang metro), 43mm. Eh yung sakin about 41mm lang. Ayun, mukang hindi talaga para sakin yung isang natira na yun.
Next time since taga Cavite naman ako, try ko sa SM Dasma hopefully this weekend.