@dheniz
at tama ka rin nga, pansin ko bawas yung effectiveness ng moeller pag naka french, theory ko lang kasi bawas yung fluidity at medyo compromised ng onti yung motion ng moeller pag naka french.
pinag compare ko yung full moeller stroke w/ german grip saka yung ginagawa kong moeller sa french, parang mas mabagal yung sa french pag dating dun sa accent (wrist-turn).
sinubukan ko rin yung RrrR (stroke,bounce,tap,pullout accent) gamit yung 2 grips kamay lang yung gamit ko mas mabilis talaga yung german (not to mention na hindi magagawa nang tama yung pullout accent pag naka french grip. bawas yung power na galing sa elbow e. badtrip.)
na-pansin ko yung delay nasa pag ikot ng wrist. at na-conclude ko na ang moeller 100% effective lang pag naka german. pero gagamitin ko parin yung motion niya sa french kasi dun lang ako kumportable.
nung december inadik ko yung moeller technique ni mayer, pinagaralan ko. pero pag dating sa kit, wala, di ako makatugtog nang maayos pag naka german. iba yung pakiramdam. kaya bumalik ako sa french, at ginaya sa minnemann (finger+moeller).
haba ng reply sorry.