galing ako dun kahapon, I was hoping maka tyempo ako ng Greco or Aria Pro na ES-335 o kahit ano mang semi-hollow guitars..
marami ngang tama ang mga gitara at yung iba eh parang kinabitan lang ng strings at isinabit dun, almost 80% eh kakailanganin mong dalhin sa luthier bago gamitin, pero oks na rin at yung presyo naman nila eh pang barag na gitara na.. madaming fernandes, photogenic tsaka aria pro.. yung iba di ko alam kung anong tatak yun, may mga bass guitars din at karamihan ng mga mejo ok ang condition eh mga bass guitars.
meron ding mga acoustic, napansin ko lang eh mga classical guitar yung iba dun pero "steel" strings ang nakakabit.. (so for sure tutungo ang neck nun) meron ding mga keyboards na mura and ofcourse mga mini-amplifiers na 10-15-20watts.. walang malalaki akong nakita (o baka nakatago lang)
dadalaw dalawin ko ito every weekend at nagwiwish akong makatyempo ng semi-hollows.. tapos deretcho na kay Jun Castro