guys, nakapag decide na ko..
kuha ko ng fury 125..
then transform it to something that looks like....
this...
question is, magkano aabutin nito sa shocks at gulong?
sa itsura ng pic mukhang stock rear and front shock pa din naman yung shock niya kinulayan lang ng black yung front shock. sa gulong around 3 -5k maganda ng klase yan. try mo din magtanong tanong sa 10th avenue caloocan dun magsasawa ka sa motorcycle parts at maiinis ng todo sa dami ng bobong rider na maaangas. napakadaming gulong dun at makakapamili ka. try mo din magbasa basa sa motorcycle forum philippines (mcp) para madami ka matutunan. yang motor na yan tingin ko simpleng mod lang ginawa sa kanya, hindi naman tinaasan ng cc yung makina or hindi naka takegawa kit, stock pa din naman engine niya.
gagastos ka diyan sa fender eliminator niya, gulong, mas malakeng front disc break, rear set at paconvert ng rear break to disc break kung drum break ang mabibili mong fury. wag na wag ka magrerearset ng naka drum break gawa ng delikado, halos mawawalan ka ng preno sa likuran. yan ang isa sa madalas na kamalian ng mga nagmomod, nagpaparear set ng nakadrum break, hindi nila alam nakakatawa sila at napaghahalataang walang alam kahit kaunti sa technicalities ng mga sasakyan.