huwaw! nice story
Napansin ko parang isa sa problema sa banda e yung pagaasawa???
Kasi naman kesa unahin ang pambili ng gears e bibili muna ako ng Gatas, pampers, tikitiki, Tide Ultra, zonrox tsaka Corned tuna.. dagdag mo pa yung 1kg na manok, sayote at knor!
meron ba dito mga taga Nueva Ecija??
pag nag-asawa ka....sa umpisa kung iisipin mo talaga...
sasabihin mong bibitiwan mo ang pagbabanda or pag gigitara.
iyan ang ginawa ko...
pero meron pa din naman akong oras na laging umupo para mag gitara...
nagagawa ko pa din ang usual routine ko kaya lang hindi kasing haba ng oras na alotted ko tulad ng dati...
ang ayaw lang ng Misis ko dati ung mga pumupuntang mga tao para mag paturo at makipag-jam...
lumipas ang ilang taon e naisip ko na wala namang masama dun.
wala naman akong bisyo tulad ng yosi at alak...babae or droga...
napuno ako nun at sinabi kong nabibigay ko naman ang kailangan nila...
bakit dapat pagbawalan ng isang tao ang isang bagay na hindi naman naka-sama sa iyo...
nakaka-inspire pa nga...mga anak ko natutuwa pag nakikita akong nag gigitara...
sa tingin ko magandang pakikipag-usap lang ang kailangan between you and your wife...
magandang diskarte ng time management and scheduling...
humingi kayo ng isang araw para dun para lahat ng obligasyon niyo sa bahay e mabitiwan niyo
at ilaan niyo sa mga activities na gagawin niyo