lalo na pag tinamaan ka ng adrenalin rush or excitement sa tugtugan. nako. intense discipline talaga ang click track playing.
Nako nasubukan ko yan sa BatCave Studios ni boss Ruben Tecson (I don't do recordings kasi wala na yung permanenteng banda ko. Session na lang minsan pag may tawag). Pinasubok saken mag recording. Yung tipong may click, tas record ka ng track mo. Ilang takes bago maging okay.
Dun ko lang naramdaman yon. Mahirap ang recording, kaya dun tumaas lalo respeto ko sa mga nagpapakahirap gumawa ng album(tas pipiratahin lang)
Mahirap siya, pero sobrang sarap sa pakiramdam pag nagawa ng tama. Nakakapagod nga lang kasi mag iisip ka ng todo eh.