Sir wiccan, nung pinarebond mo yung makapal mong buhok, di mo na pinabawasan?
binawasan pero hindi gunting ginamit nila kasi nga sabi ko huwag bawasan masyado, yung suklay na metal yata yun na pangtanggal ng split ends. bale yung suklay na yun parang may lock sa mga ngipin na pinuputol yung dulo ng buhok ng hindi ginugunting. mag two two years na din buhok ko, ito na yata pinakamatagal sa buhay ko na hindi nagpapagupit pero minsan nag papahair spa ako, gusto nga itrim ng mga ba.ding dahil ang panget daw may mga split ends na sabi ko dating gawi yung metal na suklay ayun tanggal split ends ulit. basta kapag nagparelax ka or rebond talagang magkaka split ends pagtagal kaya kailangan mo bumalik din sa salon kapag medyo humahaba na at dumadami na yung split ends.
problema talagang malake sa pagpapahaba ng buhok ng lalake yung bumubuhaghag eh, swerte na lang mga straight ang buhok pero talagang pain in the ass sa mga tulad ko na wavy ang hair pero yun nga tulad ng sinabi ko sa simula lang naman, yun talagang first 4-6 months yata yung kailangan mo hanapan ng solusyon para hindi maging buhaghag masyado or pansinin.
in addition, yung jergens aloe vera na 50 pesos yata sa 711 isa maganda din yung pangtanggal buhaghag ng buhok at bawas wavy, minsan ko na ding nagamit yun nung mga time na ilang beses ko binalak magpahaba ng buhok pero di nagtatagumpay, nagtagumpay lang ako last 2008 august. nagsimula ako sa oasis hair pero ngayon parang batusay na. worth it, sarap ng mahaba talaga ang buhok, self expression, freedom, at less hassle sa magdedesign ipusod mo lang or wala problema hanginin man or what. sarap ng mahaba ang hair talaga, nasabi ko bang masarap mag gitara or tumugtug ng mahaba buhok talaga.