Di sakin tong drum kit na to... pero swerte na lang at naging kaibigan ko Regional Manager ng Yamaha dito sa London at pinahiram ako ng Yamaha Oak Custom nya nung nagrecording kami ng banda ko. As you can see, di masyado maluho lang ang personal na gamit ko. B8 cymbal set, Pearl ELX na Snare, Ahead 5a&7A sticks and Mapex twin Pedals (double chain) I wish sakin yung Oak custom. hehehe..
After ko magset up at tune up
My prefered set up BD22, RackTom 10, 1stFT14, 2ndFT16, Snr14. gusto ko sana gamitin yung 10snare ko kaso nabenta ko na.. heheh kailangan ng pera.
30mins ako nagset up at dampen/tune up pero 2 oras nagset up ng mic ang mga techs at 1 oras na sound check.
Ito naman ang recording desk na gagamitin sakin lupet, all digital. ehehe
Tapos na ang set up ng mics... 2 stereo condensers sa harap, 2 stereo condensers sa likod, 2 dynamic BD mics sa loob at labas, 2 dynamic sm58&57 sa taas ng snare at isang sm57 sa ilalam, dynamic mics sa bawat tom, condenser sa highhat. Ang resulta... malupet.. kahit hininga ko naririnig ko sa headphones.
yum yum... wish ko lang sakin na lang to...
Upload ko link ng recordings namin as soon as matapos ang mix.