*paki-delete na lang kung meron na gentong thread.
nung high-school naka dalawang drum set ako, nung college dalawa rin. all in all naka-apat na drumset ako.. pero yung GALON DRAMS lang.. ganto setup ko:
Bass Drums: Container na Itim yung may malaking X..
Pedal: Bakal na binaluktot tas pinuluputan ng tela yung dulo.
Snare Drums: Lata ng biskwit na Rebisco, yung Kwadrado, yung kinakain tuwing may lamay. tas lalagyan lang ng unan sa loob.
Tom-toms: Maliliit na galon ng tubig.
Hi-hat: Pinag-sama-samang piniping tansan
Cymbals: Yerong inunat tas ginupit pabilog.
sayang wala kong "Gear Pic"..
![grin :-D](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/big_smile.png)
Sana meron sa inyong may pic
![grin :-D](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/big_smile.png)
sino gumawa ng drumset gawa sa "DRAM" at "Konteyner"?