hulika

Author Topic: advices in picking techiniques  (Read 653 times)

Offline zero44

  • Philmusicus Addictus
  • *****
advices in picking techiniques
« on: August 28, 2010, 08:44:03 PM »
ano ba magandang

gamitin na pick
gamitin na string and gauge

saka
practice for speed, endurance and timing..

Offline dark_7

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: advices in picking techiniques
« Reply #1 on: August 28, 2010, 10:58:24 PM »
ano ba magandang

gamitin na pick
subjective..depende sa trip mo yan o ano mas ok sayo..pero para saken 3mm picks..
ano ba magandang
gamitin na string and gauge
again subjective..depende sa gusto mo yan..yung iba mahilig sa gauge8..yung iba 9..yung iba 10..yung iba 11 and so on..
saka
practice for speed, endurance and timing..
metronome..yung accurate metronome kunin..yung nasa tabi tabi icompare mo sya sa mga metronome na nadadownload sa net..yung nabili ko nung newbie ako yung 220bpm nya eh 200bpm lang sa metronome sa computer ko..
..every artist was first an amateur..

Offline lolwat

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: advices in picking techiniques
« Reply #2 on: August 28, 2010, 11:17:38 PM »
Kailangan mo munang alamin sa iyong sarili kung anung uri ng musika ang tutugtugin mo. Kung shred ang tatahakin mong landas, kailangan mo simulan

sa makakapal ng pick upang maensayo mo muna ang control sa iyong technique. Sa oras na matutunan mo ito ay maaari ka nang gumamit ng ibang

uri ng pick.

Sa mga gitarang tulad ng Stratocaster, na may 25.5" scale length kung tawagin, 9's ang madalas na ikabit, dahil hindi gaanong matigas, at di

gaanong malambot. Sa mga tulad naman ng Les Paul na may scale length na 24.75" (mas maikli) 10's ang madalas ikabit. Habang pahaba nang

pahaba ang scale length ng gitara, lalong nababanat ang mga strings, at dahil doon lalo silang nagiging "firm." Magandang magsimula ka muna sa

nakasanayang 9's bago mo pagdesisyunan kung anung string gauge ang nais mong gamitin.

Sa mga exercises naman, kailangang pagtuunan mo ng pansin ang mga drills na may kinalaman sa pagsasabay at pagkakasundo ng dalawang

kamay mo. Ang pinakakaraniwang gamit na drill ng mga gitarista ay ang chromatic picking exercise na mahahanap mo sa maraming guitar websites

sa Internet.

Offline markv

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: advices in picking techiniques
« Reply #3 on: August 29, 2010, 12:57:38 AM »