hulika

Author Topic: Anong napanaginipan mo kagabi?  (Read 2296 times)

Offline kimboy

  • Forum Fanatic
  • ****
Anong napanaginipan mo kagabi?
« on: September 08, 2010, 10:57:34 AM »
Lahat ng tao nananaginip kada gabi.. 80-90% ng total nakakalimutan..
lagay naten dito mga panaginip.. Anong napanaginipan mo kagabi? :roll:

Offline cky

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #1 on: September 08, 2010, 11:13:44 AM »
gusto ko to..hindi ko lang alam kung may thread na na ganito dati..pero kung wala pa, uumpisahan ko na...maganda din kung ilagay natin yung date unless we assume that that dream we are referring just happened last night then yun na yung gabi ng date ng  post mo...

akin kasi nung isang gabi (Sept. 6, 2010) pero madaling araw na ata ng Sept. 7 to.. :-D
may apat na bubuyog na umaaligid sa noo ko...i'm trying to be still para hindi nila i-sting pero ayaw umalis...at oo sa noo ko lang talaga sila...tapos umalis yung tatlo may isang naiwan lang...dahil kaylangan ko gumalaw/maglakad, i decided to shoo away that lone bee...pero hindi umalis, bagkus ay bumalik at ayun ni-sting nya yung noo ko...tumingin ako sa salamin nakita ko isang malaking pantal sinlaki ng lumang piso tapos red na may dot sa gitna...as in perfect na bilog...tapos hindi ko matanggal yung iniwan nyang sting sa loob dahil masakit pag ginalaw...so wala akong magawa...tapos dumapo ulit yung isa pa nyang kasama...i tried to kill it para hindi na ako masting ulit..hindi ko ata napatay....pinilit ko nalang gumising..." :|

yun lang po...bow  :-D

Offline somil

  • Senior Member
  • ***
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #2 on: September 08, 2010, 11:02:00 PM »
ako lam ko kagabi nanaginip ako ng numbers eh, sabi ko pag gising ko hahanap ako ng kubrador eh kaso pag dating ng kinabukasan pag gising pilit ko ni rerecall numbers na napanaginipan ko kaso hindi ko na maalala eh hahaha..sayang baka manalo.. :-D

Offline zuluwashere

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #3 on: September 09, 2010, 07:51:41 AM »
eto kagabi lang

Nagpraktis daw yung metallica (with trujillo) dito sa bahay then meron si newsted na nanonood lang. Lumapit ako sa kanya tapos pina autograph ko gitara ko. Pagkatapos nun naghukayhukay sila sa backyard namin at naglaro ng golf. Nakita ng nanay ko ginagawa nila tapos nagtanong kung sino sila kasi sinisira daw yung orchids niya...
kung nag-iisa lang ang diyos, bakit may extra joss?

Offline activecre

  • Regular Member
  • ***
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #4 on: September 12, 2010, 03:54:25 PM »
Nakakabadtrip yung panaginip ko last night.

Edi ganito kase naaksidente ako tapos sobrang lubha talaga, edi nasa hospital ako, tapos nung nakausap na ng doktor yung mama ko sabi ni doc "mother paprankahan ko na po kayo pero baka di na talaga magtagal etong anak nyo." tapos yung mukha ng mama ko parang WTF! Hahaha.

Minutes past, dumating gf ko sa hospital tapos sabi ko "sabi ni doc di na daw ako magtatagal", "any last words babe?"
Tapos sabe nya "Ok babe aamin nako, me iba ako."



Dun nako nagising! Shet 3am tapos sobrang lamig na sa kwarto pero pinagpapawisan ako kinabahan ng todo todo tapos sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nakatulog nako ulit ng 5am.

Tapos umaga na talagang chineck ko buong katawan ko kung ayos lang ako, then kinwento ko sa gf ko, nagworry din sya, sabi nya "It's just a dream babe, alam mo naman na IKAW lang diba."

Ayun kaya ngayon ayo ko ng maalala yung NIGHTMARE nayun! Hahahaha :evil:
References : omegared15, Foxtrat, raybrig, kenzu0911, bjamx, rocker4ever, thr3ten, teenagebandits, 7stringmachine, wiregate, prince22, jamesplaysguitar, brown


Offline karlwilson

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #5 on: September 12, 2010, 04:23:35 PM »
ako madami palagi adventure..yung mga almost impossible na mangyayari ..
kagabi,habang nag-night trekking daw kami ng pinsan ko sa bundok ay may napansin ako na mga kaibigang duwende or creatures of the other world na nagtatapon or rather naghahagis ng mga gold and silver coins at mga silver gold na hugis susi,ang ginawa ko daw ay kumuha daw ako kasi malapit lang naman yung pinaghahagisan nila sa kinatatayuan ko..so,pumulot daw ako at pinuno ko ang dalawang bulsa ko ng gold coins..

akala ko totoo..

madami pang iba kaso nakalimutan ko na e..nakakatuwa pag naalala ko..

Offline inzsairis

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #6 on: September 17, 2010, 05:39:47 AM »


gabi gabi ako nanaginip...



dito sa loob ng office... hehe
Inter spem et metum... Inter arma carita

Offline kimboy

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #7 on: September 24, 2010, 08:53:06 AM »
kulit ng panaginip ko kagabi..
may dala akong drum throne sa loob ng elevator tpos nakasabay ko yung ka opisina kong cute (girl).. kami lang dalawa. tpos yung elevator naman hindi kusang bumubukas sa sinelect naming floor.. kelangan pa namin pindutin yung button para bumukas. sakto dapat kaya lagi kami lumalagpas.. trap!

Offline risha

  • Veteran Member
  • ****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #8 on: September 24, 2010, 05:05:19 PM »
hindi ko na maalala napanaginipan ko.. sayang..

Offline Virgilauntie

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #9 on: September 25, 2010, 09:12:36 AM »
Peace on Philmusic, spreading beyond Guitar Central where it all started.
JUSTICE FOR GSPBOLJACK!!!

Offline annabanana

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #10 on: September 25, 2010, 12:57:43 PM »
nagpalit ako ng profile picture sa fb. ayon lang natatandaan ko. hehehe

Offline inzsairis

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Anong napanaginipan mo kagabi?
« Reply #11 on: September 26, 2010, 02:17:39 AM »


Zombies.. nung kinain ako napa igtad ako sa kama at nagising.. whew
Inter spem et metum... Inter arma carita