Naisip ko nga dati... kelangan yata ng match maker sa musicians classified...
Yung tipong iaasess sa pangangailangan ng mga naghahanap at magpopost sa mga ads nila...
example...
"Bassist Looking for band" >> dear bassist, XXX band may be the right band for you, they're looking for a bassit who seem to match your personality, their ad can be found through this URL ...
Siguro, kaya rin sobrang specific ng mga hinahanap at naghahanap eh dahil din sobrang diverse ng mga musicians dito. Iba-iba trippings, may mga seryoso, professional, on-the-side, gimik-gimik lang, aspiring recording artist, showband, pangabroad, libangan, etc...
Kami din naghahanap dati, kaya lang, sobrang specific na ng hanap namin to the point na mahirap na talagang hanapin. Sa paghahanap kase ng banda, hindi lang talaga skills ang importante, malaking factor din talaga ang ugali at pakikisama.