Ilang months/years bago ka nakapag 10k sir? Ako rin, I also motivate myself to beat my previous record. Kanina ata nakapag 1.4 to 1.5k ako. hehe. Medyo hirap ata yung legs ko kasi dahil sa body weight ko.
Magkano score mo sir sa New Balance na shoes? Haven't tried that one yet. Thanks.
February this year ako nag-start. Nagstop ako for a month kasi na-operahan ako. So, may 5 months na ako tumatakbo. By 3-4 months nakakapag-5k nako. Lately ko lang sinubukan may 10k, siguro 3 weeks na. Yes, ingatan mo din kasi baka bumigay naman ang knees & ankles mo. May friend ako nasa 230lbs sya, sabi nung doctor nya mag-loose muna sya ng 30lbs kasi baka nga bumigay knees & ankles nya. So, nag-bike muna sya. Nung na-reach na nya yung desired weight nya, ayun pinayagan na mag-jog.
May kasama kasi ako na nagtra-triathlon. Nurse din sya at the same time kasi nga sa condition ko, hindi pwedeng basta takbo lang ng takbo. Kailangan talaga i-monitor heart rate ko baka bigla nalang ako bumulagta sa kalsada, hehehe.
Yung friend ko din nagturo sakin nung sa New Balance. Depende kasi kung anong klase ng feet meron ka. Doon iba-base yung kailangan mong shoes. Yung sakin ata pang neutral, hindi ko na maalala kung ano-ano pa yung iba eh. Meron yung kung flat flooted, may arc/bridge yung paa mo, etc. Sa Planet Sports sa Greenhills ko binili yung sakin, oks dun kasi marunong yung mga nagbebenta aalamin talaga nila yung right shoe for you and madalas naka-sale dun. 6k+ sya, nabili ko lang ng 3k+.
Sent from my iPad using Tapatalk