Paopao, anong say mo bro pag HD500 + tube amp?
First of all, wala akong pod HD. So hindi ko alam kung bakit ako nandito. Naliligaw ata ako
Anyways. Tube amp modelers + tube amp is a little redundant dont you think? Parang bakit ka pa bibili ng hd500 kung may tube amp ka? Pero kung ganyan nga ang setup, ang pinaka halatang tone parin ay mangagaling sa tube amp. Kahit anong model na gagawin mo, ung amp parin ung nangunguna sa tunog. Kaya sa tingin ko useless pag tube amp + hd500. For example, jcm800 + hd500 with rectifier model. Ung tunog mo hindi parin magiging rectifier.
Mga ganitong modelers are best with direct to PA's or speaker cabs nalang because modelers are the preamp.
Kapag ako nabigyan ng chance makakuha ng hd500, isasalpak ko nalang siya sa fx loop ng amp ko. This will make the whole story a lot more different.