mga bossing sa aking humble experience mas ok saken gumamit ng powered speaker kesa keyboard amp para sa multi-effects, saka mas mura pa, ewan ko kung baket...
yung drummer ko kasi merong powered speaker (kasi electric drums gamet nya),dun sa speaker nya ako nakiki-monitor pag nagpa-practice kami,panalo sa tunog, mumurahin pa yung powered speaker nya ah, GA (Golden Audio yata) ang tatak, nasa 11k lang bili nya brand new, 10" lang yung speaker... E pag tumutugtog kami ng live madalas nakakagamet ako ng magandang keyboard amps pang monitor sa gitara ko (Peavey, Roland, Laney) pero talagang nabibwisit ako sa tunog lagi, pinag-chachagaan ko lang.. sabi nya sa Raon daw nya nabili yung speaker nya..
saka isa pang kinabibiliban ko sa speaker nya, kahit 10" lang, anlakas nya...may isa kasi kaming bar na tinutugtugan na kelangan nya gamitin sa stage yung GA powered speaker nya, dalawa lang kasi yung monitor sa stage parehong pang nasa bandang harap so talagang bitin na yung tunog na nakakarating samen..so dun sa speaker nya kaming dalawa nagmomonitor ng Vocals, Gitara, Keyboard at Drums, pero solve pa rin ako sa tunog..talo pa nya yung mga ibang 12" powered speaker na mas mamahalin (SPL, Phonic, B3) sa mga ibang tinutugtugan namen