tumawag kami bro sa JB, ang sabi 200watts 8ohms
ang sabi sa specs ng samick mixer amp
Output Power: 200W/ 4 Ohm, diba? pero walang binanggit na Output Power sa 8 Ohms. saan ba nakuha ng JB ang
200watts 8ohms?!? malabo yata ang sabi nila.
kung dalawang 100watts nman dapat 4ohms daw
ang total ng dalawang speaker na tig 100watts 8ohms ay
200watts 4ohms. yan dapat ang kelangan. kahit hindi eksakto, basta hindi masyadong malayo sa 200W/ 4 Ohm spec ng samick mixer amp.
yung component na ikinabit nman 150W RMS ang isa
kung 8ohms ang sansui component speaker, ang total ng dalawang speaker na yan ay 300watts 4ohms. no match ang 200W/ 4 Ohm samick mixer amp.
ung konzert nman 400W RMS pero isang speaker lang ito kasi dipa sila nakabili ng kapair nito.8 ohms
no match pa rin ang 200W/ 4 Ohm samick mixer amp para sa isang 400W 8ohms konzert speaker. mas lalo na pag dalawang konzert speaker na ang total ay 800watts 4ohms!
pagdating sa palakasan, mahihirapan si samick. itotodo niya ang kanyang lakas at magtutunog distorted. kapag itinuloy-tuloy pa rin ang pasok ng distorted signal (kuryente) sa speaker, masusunog ang tweeter dahil sa sobrang init ng voice coil.
anu nga pala kahalagahan ng maliit na magnet sa malaki?
hindi ko na masyadong iniintindi yan dahil sa bagong neodymium magnet na mas maliit at magaang pa kesa ferrite magnet. yan ang ginagamit ng mga modernong speaker ngayon...