There is no such thing as "spot fat removal".
Kahit maging violet na ung mukha mo kaka-sit ups, crunch o kahit ano pang ab exercise, kung hindi naman tama ung diet/nutrition mo at hindi ka nagccardio exercises, hindi mawawala ung beer belly. Ang ab exercises ay nagdedevelop ng muscles hindi tinatanggal ang taba.
Myth: Nakakaliit ng tiyan ang ab exercises (sit ups, planks, etc.)
Truth: Good Cardio + Good nutrition = mawawala ung fats sa katawan including ung tiyan.
Kaysa mag 100 sit ups a day ka, mag bike, jogging or maglakad ka na lang everyday, tapos 15 crunches every other day. Bawasan ang calories at fat sa diet. Basahin ung nutrition facts (na nakikita usually sa likod) bago bumili ng pagkain.
Tama to. Situps/Ab crunches pang shape lang ng muscles. Ano naman isshape mo kung para taba di ba.
Saka pag tumataba ka una talaga tiyan ang lalaki. Di katulad yan ng pag-ggym na puwede mo piliin anong parte ng katawan ang gusto mo idevelop. Sa pagtaba no choice ka, una talaga tiyan lumalaki. Sunod lang yung ibang parte like leeg, etc.
Yung taba kasi ay stored energy na hindi mo nagamit dahil wala ka ginagawa at kain ng kain. Kumbaga yung energy (calories) nacconvert into fat kapag hindi na-uutilize ng katawan. So para mawala yung stored energy na yun (fats) eh kailangan mo magpagod.
Logical naman di ba, pag nagpapagod ka kailangan mo ng energy. Kukuhanin mo yun sa fats mo (stored energy) kaya mawawala ang fats at papayat ka/liliit ang tiyan. Samahan mo ng diet (less energy intake from food that you eat + Rigorous activities) ubos ang fats mo sa katawan.