Tama yung mga naunang nagadvice sa iyo. Pagsamasamahin mo na yung mga kanta mo sa isang CD. Twocopies ang hihingin sa iyo. Santambak na paperwork na properly notarized ang isa pang kailangan. Bibili ka pa ng documentary stamp sa baba ng National Library (Di ko alam kung bakit lima ang lagi nilang binebenta e tatlo lang naman ang kailangan.) 200 pesos ang copyright fee.
Kung gusto mo ng isa pang paraan, suggest ko yung tawag na "poor man's copyright". Yung CD mo, imbis na dalhin sa National Library, dalhin mo sa post office. Ipa-registered mail mo addressed SA SARILI MO RIN with your address. Siyempre magkakapost date yon. Pag naidala na ng kartero mo yung CD mo sa bahay niyo, HUWAG MONG BUBUKSAN. Itago mo lang sa baul a saan mang lugar na matatandaan mo.
Kung magkaroon man ng isang pagkakataong may chonggong nagnakaw ng kanta mo, maipapakita mo agad ng ikaw ang nagsulat ng kantang iyon sa pamamagitan ng unopened registered mail na iyon. Galing no? Pagkaalam ko mas mura yon kaysa dun sa Copyright office.