Naiintindihan ko kung bakit yung iba ayaw ng tube amps. Una, kung may limitadong budget yung musician, malaking konsiderasyon ang gagastusin sa pagpapalit ng tubo. Yun namang iba na spartan clean tone ang hanap, ayaw ng distortion na inherent sa saturated tubes. Lalo na kung limitado lang ang nasubukan n'yang bilang nang tube amps, at ang nasubukan pa eh Marshall-based na low wattage amp. Getting a clean tone at gig-usable volume from one of those is like trying to squeeze blood from a turnip. Parang yung Reinhardt 18 ko nuon, laging distorted kahit anong level. Pero dun naman talaga nage-excel ang tube amps eh. Tapos, may paniniwala pa na napaka fragile ng tube amps. Para sa akin, lahat ng bagay na hindi pagtutuunan ng tamang kalinga eh talagang madaling masisira. You want a hardcase for your guitar, right? So why should your pedalboard and amp deserve less?