hindi na nakatiis, mahirap magpigil sa pangigigil - butas man bulsa ko ngayon, hibang pa rin sa ligayang hatid ni:
macro test shots
excited na ko magphotowalk bukas
hanep! yang X100 talaga ang first choice ko eh.. kaso talagang bubutas ng bulsa yan, lalo na ngayong mataas ang presyo ng gasolina kaya nag stick nalang ako sa baby brother nyang X100 which is the X10 heheheh..
pag ako nakaluwag iiskor din ako nyan..
anyways dude, tanong ko lang yung hybrid viewfinder nya.. may bracketing ba? makikita mo ba yung frame ng actual na makukunan mong area? diba since rangefinder type ang viewfinder ng X10 and X100 hindi 100% yung lalabas sa picture sa nakikita mo sa viewfinder..
sa X10 kasi walang nakikita kahit anong value sa viewfinder kaya tantyahan ang bracketing ng frame.. altho may 90% similarity sa nakukunan ko sa nakikita ko sa viewfinder pag naka "zoom in" ako..
meron ba sya visible "bracket" or "frame" sa viewfinder pag kumukuha ka?