Sulitin mo na yang budget mo sa maganda at may kalidad na gitara para mas ganahan ka. Yung pre-owned, lalo na kung hindi naman laspag, ok yan lalo na kapag na setup na ng may-ari. Marami dito sa PM ang testamento, and yours truly, may mga "best deals for pre-owned gears." Fender squire is OK, ganun din yun mga Yamaha Pacifica, especially kapag na upgrade na ng previous Owner, at hindi ka mauubusan ng upgrade as you progress. It grows with you ika nga. Naka ilang balik na din ako sa PC Park, kung hindi ka din naman mahilig at sanay magkalikot ng gitara, wag na lang. Yung oras na ibubuhos mo sa pag setup or gastusin para maayos, sa ibang bagay mo na lang ilaan, or pang upgrade mo later. Gregg Bennett sa Lazer is ok din. Kung makaka tyempo ka ng sale, swerte pasok sa budget. Scout ka din ng mga pre-owned, baka makapili ka ng sariwa pa. Madami dito sa PM Classified na makikita ka.Madaming artist, nagpapalit ng gitara dahil sa progress nila or change of genre or especially G.A.S.
subok lng ng subok pag may oras ka. Ako, halos hindi na ako bumibili sa mga music store kasi sesetup mo pa saka namamahalan ako. I prefer talaga mga pre-owned, well taken cared of and "feel" mo yun gitara unang gamit mo pa lang. Na break-in na ika nga...pero sa babae, ibang usapan na yan... iba na makakasagot kapag babae usapan, hindi ko sila kayang "itono."