Hi sir ralph,
Basically simple lang yung operation nya. Jan sa picture, 4 pots sa input yung malapit sa 6.35mm. Tapos yung 4 pots malapit sa 3.5mm yung adjustment volume para sa headphone speaker mismo.
Bale ang maririnig sa headphones is same mix, but nababago yung volume sa kada headphone jack.
So ang ginagawa namin ng kabanda ko is inaadjust muna namin yung input mix, then pag agree na kami sa input mix, then bahala na ang bawat isa sa kanya kanyang headphone volume.
Sir kenny,
Adjustable ang input volume but yung changes is maririnig din ng ibang nakikinig. Actually, tinanong ko din yan sa friend ko and ang sabi nya is, ang kinonsider nya sa design nya is ma emulate ang studio setup wherein mas maganda kung mag usap kayo ng ka banda nyo sa mix na gustong marinig ng lahat para may communication at feedback sa isa't isa, at para pagsalang sa studio or live may idea na kayo sa mix na gusto nyong mangyari at di na nangangapa sa mix ang buong banda. Also, kaya din naman daw gawin yun but mas tataas ang cost at madidifeat ang purpose ng paggawa ng low cost at simple alternative.
In fact, ineencourage ng friend ko na bumili ng jamhub kung kelangan ng very fine control tulad ng individual channel mix control.