Nagkaroon ng buzzing problems yung no-brand hollow body ko. Akala ko kailangan lang i-adjust ng konti yung bridge height, pero upon closer inspection, nadiskubre ko na may angat na yung fret board hanggang sa 5th fret. Inevaluate ko kung kayang singitan ng glue na lang yung affected cracks, pero nagdesisyon ako na iangat na ng buo para ma-reinforce yung buong fret board thru re-gluing. Natanggal ko naman sya ng maayos, walang naging damage sa fretboard at neck. Ok pa din yung neck, walang masyadong bow.
This is my first time to attempt a DIY repair sa gitara at this level. My specific questions are;
1. Would "stickwell" wood glue work for this job? If not, ano yung marerekomenda nyo?
2. Is sanding recommended before applying glue? If yes, anong grit?
3. Once glue is applied, gano katagal sya dapat i-cure bago ko kabitan ng strings?
4. Ano pa yung mga specific reminders in doing this particular repair?
Your replies would be greatly appreciated!