4 years ago,
Well nag pa event ako dito sa probinsya nnamin sa Rizal, Mostly metal and hardcore bands, Tapos ang main Act ko is Cog from manila, Solve yung event, daming nagpuntahan mga tropa, madami din order ng beer, Pati mga waiter at owner ng bar naki gulo na din,may moshpit, Then yung band ko na yung tutugtog, first song pa lang magulo na, kahit laseng drummer namin, mas magulo yung nangyari ng moshpit. Then yung second song pa na mas magulo na, nakita ko may mga nagsusuntukan na, tumigil ako sa pagtugtog. Yung mga kabanda ko tuloy pa din, Tumigil ako kase sa side ko may mga nagsusuntukan, Then pinatigil ko mga kabanda ko, naghahagisan na ng mga table bote, upuan, Yung isang tropa ko hinampas ng bote, nagkaron ng madaming stitches sa ulo after that gig, akala ko ganun lang, then may tropa kami na sinaksak, labas bituka, namatay syanung gig na yun. Tumigil kami pagtugtog almost 6 months, nag ka trauma kami every time na may moshpit na nangyayari.Then nalungkot din kami kase may namatay sa gig namin, set pa namin.
ngayon araw na to, ang ika apat na death anniversary niya.