hulika

Author Topic: Stories on Stage (may it be Sad, Funny, Weird, Freaky)  (Read 45766 times)

Offline Freak

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #75 on: November 23, 2012, 01:13:14 PM »

Niregaluhan ako ng una kong gitara ng tatay ko- nagsisimula pa lang ako matuto- sumali kami sa battle of the bands sa guadalupe. napaka "Brand new" at pa kinang-kinang pa ng gitara -Ibanez sv470 ata. after ng set namin, sabi ng MC "oh kita niyo? wala sa ganda ng gitara yan"  :cry: - after nun, tinadtad ko ng stickers.


parang nabastusan ako sa MC na yan ah

Offline treblinkalovescene

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #76 on: November 23, 2012, 02:03:25 PM »
wala ng tatalo sa murder case ni dimebag darrel  :oops:

Got shot by a psycho while performing on stage...

On the other hand, don't you think it's an honorable death doing what you love?
Offset guitars for life.

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #77 on: November 23, 2012, 02:09:48 PM »
Guys, dont forget yung mga  stories na na CRUSH to death yung fans like sa Smashing Pumpkins..or Yung isang country western band..(forgot the name)..yung nagcollapse yung stage and rigging kamakailanlang...yun ang major sad stories...
*RC MUSIC EMPORIUM *
PEDALS & ACCESSORIES FOR SALE
PM: http://talk.philmusic.com/index.php?topic=283433.0      FB: https://www.facebook.com/RcMusicEmporium

Offline treblinkalovescene

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #78 on: November 23, 2012, 02:44:05 PM »
Recently, my band just played first in a show where EVERYONE except us was late. How late? The next band set up 3 HOURS late. What gig was it? It was for a foreign band. The organizer was there but had to run do stuff. I wonder how he kept cool the whole time. Ang sakit sa ulo pag lahat na lang late.

...oh, and we played to two people in the audience... at B-Side... the courtyard pa. :)) Glorified rehearsal.
Offset guitars for life.

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #79 on: November 23, 2012, 02:49:08 PM »
Want to watch Mount Analogue play soon! abangan ko yung emotional playing mo Francis! I read somewhere here na one time you threw your guitar once dahil sa equipment malfunction? astig!!! hahaha..
*RC MUSIC EMPORIUM *
PEDALS & ACCESSORIES FOR SALE
PM: http://talk.philmusic.com/index.php?topic=283433.0      FB: https://www.facebook.com/RcMusicEmporium


Offline KRISPY KANGKONG

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #80 on: April 24, 2013, 01:19:12 PM »
January 2012 yun.

pumapalya yung pedalboard ko. naputulan ako ng string. nasira yung snare nung drummer namin, nakalimutan nung vocalist yung lyrics. NAPAHIYA KAMI!  :cry:
Dry Near Aura

Offline sonikyut

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #81 on: April 24, 2013, 01:25:45 PM »
gig during the mid 90's mga pyesta pyesta sa bulacan....napasobra sa kwento at inuman..pag salpak sa stage nakalimutan itono ang gitara...resulta experiment ng tunog...nakakahiya hahahaha
It's heavy metal fatigue.                                                                                                      Postlude.

"Biruin mo na ang lasing maging ang bagong gising, wag lang sa βading na inagawan ng booking"... - George Harrison

Offline fretboard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #82 on: April 24, 2013, 01:49:31 PM »
di naman sad awkward story lang

1. sa Mimosa/Fontana sa isang social event , nag session ako sa isang POP/JAZZ band, first set was ok, masaya naman mga tao sa tugtugan naming M.O.R. mostly ang pondo, then we were asked to play danceable sa 2nd set, good to go naman kami, pero habang kumakain kami for the break, pinatugtog halos lahat ng pondo naming danceables nung DJ, so ayun 2nd set namin parang inulit lang namin yung mga pinatugtog na.

try mo kayang kalabitin baka tumunog...

Offline techbp

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #83 on: April 24, 2013, 02:07:16 PM »
Grand alumni home coming ng highschool, I think 2002 yun. Ang genre pa ng banda ko nun eh ska/punk ala Goldfinger. Lakas ng tama namin bago tumugtog, siyempre reunion di maiwasan mag inuman. AMPANGIT DAW NG PERFORMANCE namin, magulo, sabog, wala sa timing at bokalista nakakalimot ng lyrics - PERO ANG BUONG AKALA NAMIN WHILE PERFORMING EH SWAK GINAGAW NAMIN, sinabi na lang negative comments samin nung mga nakapanuod kaya pala walang pumapalakpak haha, may 2nd set pa dapat kame pero di na kame pinatugtog hahahaha! Buwiset yan! Simula nun di na kame tumugtog for reunion
« Last Edit: April 24, 2013, 02:21:34 PM by techbp »

Offline lennon12

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #84 on: April 24, 2013, 02:27:59 PM »


tumugtog kami sa las pinas..

kami lang ang banda na pa-event ng isang alak...


may mga games pa nga nun...

break ng games kame tumugtog...

eh maingay tugtugan namin nun, puro compo pa..

lahat ng nanonood.. nakatunganga lang samin...

parang gusto nilang sabihin "ano ginagawa ng mga mokong na to?"


masaya naman kami dahil maayos ang gamit, may TF pa at solid ang tugtog namin..

nga lang, walang naka-apreciate kundi limang pirasong fetus rakers... (nahingan pa ko ng pick)
an eye for an eye

will make us all blind

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #85 on: April 24, 2013, 02:49:46 PM »

tumugtog kami sa las pinas..

kami lang ang banda na pa-event ng isang alak...


may mga games pa nga nun...

break ng games kame tumugtog...

eh maingay tugtugan namin nun, puro compo pa..

lahat ng nanonood.. nakatunganga lang samin...

parang gusto nilang sabihin "ano ginagawa ng mga mokong na to?"


masaya naman kami dahil maayos ang gamit, may TF pa at solid ang tugtog namin..

nga lang, walang naka-apreciate kundi limang pirasong fetus rakers... (nahingan pa ko ng pick)

naku ang dami din namang naexperience na ganito.."esoteric" gigs..hahaha..
*RC MUSIC EMPORIUM *
PEDALS & ACCESSORIES FOR SALE
PM: http://talk.philmusic.com/index.php?topic=283433.0      FB: https://www.facebook.com/RcMusicEmporium

Offline caloyness

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #86 on: April 24, 2013, 06:33:41 PM »
naku ang dami din namang naexperience na ganito.."esoteric" gigs..hahaha..

sometimes eto rin yung pinag iisip isip ko minsan.....you got good gears...pedals, guitars na pwede ka na mkabili ng kotse sa mahal pero minsan sumasagi sa isipan ko.....kapwa music lovers ko lang nkaka appreciate ng value ng mga bagay na to.

masaya nmn ako sa ginagawa ko pero...parang yung feeling na natugtug ka ...and you have the best gears which worth hundreds of thousands pero normal people doesn't appreciate it ....normal people usually goes for people who have stunning voice kahit acoustic lang with the basic 4 chords...just sayin  :eek:
« Last Edit: April 24, 2013, 06:38:42 PM by caloyness »

Offline gradual nothing

  • Veteran Member
  • ****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #87 on: April 24, 2013, 06:49:07 PM »
my guitar wasn't heard!!!! lunod ang tunog ko! because the one controlling the PA su*ks!!!  :-(
the avatar of the avante guarde

"you make the sound with your hands and you can fine-tune it with your gear"  --  ALLAN HOLDSWORTH

Offline anoemous

  • Veteran Member
  • ****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #88 on: April 24, 2013, 07:27:59 PM »
We were invited in a piyestahan ng tropa namin. Pinatugtog kami sa house nila.

Masaya naman, yun lang yung mga audience namin eh mga nakainom na.

Medyo kasarapan ng tugtog nun then all of a sudden one of the audience pulled out his gun and nagpaputok! (pero pointing pataas)

Grabe natigilan kaming lahat! Siguro mga 3 seconds yun.

Nadala lang siguro dun sa tinutugtog namin that time (Huling El Bimbo)

Then tinuloy pa rin namin yung song. Then after ending it nagpaputok na naman!! Tinuldukan lang siguro yung song hehe.

After that we decided to end that jam. Mahirap na baka sa iba na maitutok yung baril  ^-^



Lurking Philmusic since 2006

Offline shadowsilk

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #89 on: April 24, 2013, 07:30:46 PM »
Nung isang beses na tumugtog kami sa school ng banda ko dati. Dalawang kanta.

Tumigil ako after the first song kasi hindi ko marinig gitara ko ng mabuti tapos sinabi ko dun sa lalake na part nung crew na nirentahan ng gamit. Sabi naman sakin, rinig naman daw ako sa mix.


Tumuloy nalang ako kahit ganun, although halos hindi ko talaga rinig sarili ko. Sadly, nung napanuod ko yung video ng performance namin, lunod na lunod sa mix yung gitara ko. :(
“I'm the one that has to die when it's time for me to die, so let me live my life, the way I want to” -Jimi Hendrix

Offline shadowsilk

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #90 on: April 24, 2013, 07:32:44 PM »
Recently, my band just played first in a show where EVERYONE except us was late. How late? The next band set up 3 HOURS late. What gig was it? It was for a foreign band. The organizer was there but had to run do stuff. I wonder how he kept cool the whole time. Ang sakit sa ulo pag lahat na lang late.

...oh, and we played to two people in the audience... at B-Side... the courtyard pa. :)) Glorified rehearsal.
Mouse on the keys ba to? hehehe
“I'm the one that has to die when it's time for me to die, so let me live my life, the way I want to” -Jimi Hendrix

Offline DiMarzSiao™

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #91 on: April 24, 2013, 07:36:48 PM »
We were invited in a piyestahan ng tropa namin. Pinatugtog kami sa house nila.

Masaya naman, yun lang yung mga audience namin eh mga nakainom na.

Medyo kasarapan ng tugtog nun then all of a sudden one of the audience pulled out his gun and nagpaputok! (pero pointing pataas)

Grabe natigilan kaming lahat! Siguro mga 3 seconds yun.

Nadala lang siguro dun sa tinutugtog namin that time (Huling El Bimbo)

Then tinuloy pa rin namin yung song. Then after ending it nagpaputok na naman!! Tinuldukan lang siguro yung song hehe.

After that we decided to end that jam. Mahirap na baka sa iba na maitutok yung baril  ^-^

saan yan? Batangas? or Quezon?

nakaranas na din ako ng ganyan...
sa Sariaya,Quezon... kasalan.
matindi.., halos lahat ng bisita, de-baril. maya't-maya ang pa-putok., pero sa lupa naman pinapatama.
hanggang sa, yung may ari na mismo ng mansion ang bumanat. naglabas ng mahaba., biglang nagpaputok.
medyo, nagninig ang mga daliri ko nung gabing iyon...

← ʍɐʎıɥ

Offline anoemous

  • Veteran Member
  • ****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #92 on: April 24, 2013, 07:44:01 PM »
saan yan? Batangas? or Quezon?

nakaranas na din ako ng ganyan...
sa Sariaya,Quezon... kasalan.
matindi.., halos lahat ng bisita, de-baril. maya't-maya ang pa-putok., pero sa lupa naman pinapatama.
hanggang sa, yung may ari na mismo ng mansion ang bumanat. naglabas ng mahaba., biglang nagpaputok.
medyo, nagninig ang mga daliri ko nung gabing iyon...

Sa Laguna. hehe.

Same feeling bro, nanginig kamay at tuhod ko nun.  :cry:
Lurking Philmusic since 2006

Offline nlsn

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #93 on: April 24, 2013, 11:25:45 PM »
Mouse on the keys ba to? hehehe

Di sa courtyard ang mouse on the keys bro, and madaming tao nun kahit front act pa lang hehehe

Offline shadowsilk

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #94 on: April 25, 2013, 01:08:26 AM »
Di sa courtyard ang mouse on the keys bro, and madaming tao nun kahit front act pa lang hehehe
Ay hahaha. Random guess lang hehe :)) Wasn't able to go to the gig e.


Isa pang pangit na experience sa battle of the bands dun sa isa kong naging banda na rhythm guitarist ako. 

I always make sure that I bring my own gear whenever we play, but our lead guitarist rarely brings his own, so he had to borrow a guitar from someone. Nasa kalagitnaan kami ng sound check tapos biglang nawala yung sound ng gitara nya. It had some problems with the electronics yata. Paglingon ko sa kanya, nagkakalikot ng knobs tsaka ng toggle switch. Nung first song na namin, ganun din nangyari after the intro. Although tuloy tuloy parin kami, kulang yung feel nung kanta, lalo na kasi may solo yung tinugtog namin.
« Last Edit: April 25, 2013, 01:16:46 AM by shadowsilk »
“I'm the one that has to die when it's time for me to die, so let me live my life, the way I want to” -Jimi Hendrix

Offline 123kidd

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #95 on: April 25, 2013, 09:48:03 AM »
Kami dati sa obsidian bar, Medyo na moved yung line up. Nauna sa amin ang skychurch. Then sumunod kami sa skychurch, mukang pagod na ang mga tao, then yung iba lumabas na, tapos nung kami na yung tumutugtog.. umupo yung mga kids, then ayon pagkatapos ng mga kanta, sobrang tahimik, walang palakpak kahit plastikan lang hahaha

Offline gearthird

  • Senior Member
  • ***
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #96 on: April 25, 2013, 11:01:57 AM »
college days.

we were playing iron maiden's the trooper as our last song nung biglang umakyat yun karamihan ng audience sa stage at duon na nagslamman hahaha. Sa gitna ng slamman nila, ako nilayo ko na talaga yun pedalboard ko para safe. sad to say, my bandmate did not have time to save his board. nakita ko talaga, parang dinaanan ng stampede yun board niya. parang slow motion pa na nagliparan yun mga ngipin ng equalizer niya HAHAHA. it was a really good gig nonetheless.
HAHAHA! that's total chaos bro. I cant imagine na nagtatalsikan ung pin ng eq nya. HAHAHA  :-D
REFERENCE's
bloody_dok, jeprox, juan_portnoy, vitek, spankyrigor, joleng of SKABECHE, guitarpraise, pow, ernisan, mahineman

Offline techbp

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #97 on: April 25, 2013, 12:56:43 PM »
HAHAHA! that's total chaos bro. I cant imagine na nagtatalsikan ung pin ng eq nya. HAHAHA  :-D

Sipag mo bro ah, nag back read ka hehe!

May isa pa ko share, hayskul days, 2nd year hayskul.

4 piece band kame ako yung nag vox. So sa start pa lang nung song, nagkakamali yung drummer tas pina umpisahan ulit yung song. So inumpisahan ulit pero nagkamali parin siya. In short, ilang beses kaming nag ulit ulit ng intro. Ang ginawa ko ako na nag drums at kumanta hahah - pabida ako OO pero kelangan eh.. punyemes na drummer yan parang di nagpraktis

Offline shodawmoon

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #98 on: April 25, 2013, 02:50:31 PM »
Sipag mo bro ah, nag back read ka hehe!

May isa pa ko share, hayskul days, 2nd year hayskul.

4 piece band kame ako yung nag vox. So sa start pa lang nung song, nagkakamali yung drummer tas pina umpisahan ulit yung song. So inumpisahan ulit pero nagkamali parin siya. In short, ilang beses kaming nag ulit ulit ng intro. Ang ginawa ko ako na nag drums at kumanta hahah - pabida ako OO pero kelangan eh.. punyemes na drummer yan parang di nagpraktis
:eek: sino nag guitar?  :lol:

Offline jepbueno

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Sad Stories on Stage
« Reply #99 on: April 25, 2013, 04:17:47 PM »
HS days. 1st battle of the bands namin outside school noon. Pinakamagulong battle of the bands yun noon dahil 25php lang ang entrance at yung iba nag-aakyatan sa bintana.

Tumugtog kami ng usong uso noon sa aming lugar, lalo na sa mga slammers, Santeria. haha. Naputol ang string ng gitara ko sa soundcheck pa lang at napilitan akong humiram ng isa pang gitara na nakakainis at wala pa sa tono. Wala akong tuner noon, nagtono ako na naririnig ng lahat haha. Ang vox namin babae, magaling siya. Pagkabigkas pa lang niya ng "I don't practice santeria" akyatan ang mga slammer sa itaas. Eh kabado ako noon, nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba at pawis na pawis ang kamay. Puno ang stage ng slammers at ang nakakabadtrip eh yung isang slammer katabi ko at tinuturo ung daliri ko sabi "nanginginig oh!" haha. At yung vox namin kunyare pinipicturan ng isang slammer pero gamit niya eh tsinelas lang. Nakaporma na parang cellphone yung hawak.

Ok naman daw yung tugtog namin ang problema lang eh medyo mahina daw gitara ko. What's worse eh hindi namin naenjoy at nahiya kami sa vox naming babae kasi pinalibutan siya ng mga parang ewan na slammers.

Kitang kita ko nun yung isang bouncer na may sinuntok sa panga.