hulika

Author Topic: Tattoos anyone?  (Read 220920 times)

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Tattoos anyone?
« Reply #350 on: April 11, 2010, 12:54:59 PM »
it could be your skin. may mga balat daw na hindi maganda mag react sa inks eh..

it could be the artist who did it. akala nya na cover nya yung buong area kaso ayan may mga blanks. balikan mo at ipaayos.

it could be the way you treated your new ink. kinamot kamot, naexcite ka at tinanggal agad yung layer ng ink or sinasabon mo yung area na may tat..
I turned myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #351 on: April 11, 2010, 12:59:49 PM »
it could be your skin. may mga balat daw na hindi maganda mag react sa inks eh..

it could be the artist who did it. akala nya na cover nya yung buong area kaso ayan may mga blanks. balikan mo at ipaayos.

it could be the way you treated your new ink. kinamot kamot, naexcite ka at tinanggal agad yung layer ng ink or sinasabon mo yung area na may tat..

- pwede rin siguro.

- malamang. medyo nagmamadali na kasi umuwi yung artist nung nagpatattoo ako eh.

- alaga naman yung tattoo ko. hindi ko kinakamot, hindi ko rin nilalagyan ng petroleum jelly. ointment ang inaapply ko. pero oo sinasabon ko sya pero may effect pala yun. tsaka after tattoan alam ko dapat meron syang cover pero hindi nilagyan ng artist.

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Tattoos anyone?
« Reply #352 on: April 11, 2010, 09:00:05 PM »
wag mo sabunin ng 2 weeks yung area na may tat..wash mo lang ng tubig..pede din malagyan ng lotion pero wag yung whitening lotion..yung sakin madalian ang gawa kasi may shift ako nun in an hour..pero maliit at all black lang naman kaya hindi ganun katagal aabutin talaga..pag dinagdagan ko to kulang ang isang araw na session hehehe..

ok lang din yung petroleum jelly pero kung binigyan ka ng 1 sachet ng a&d ointment, ubusin mo muna yun..tumagal sakin ng 1 week yun tapos nag petroleum jelly na ko..yung saran wrap cover hehehe kadiri andami kong plasma nagpatakan sa MRT papunta akong ofis hehehe..
I turned myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #353 on: April 11, 2010, 10:15:29 PM »
ahaha. sige sir marzi, once maparetouch ko to next week sundin ko mga payo mo. hehe. salamat  ng marami.

Offline akosimic

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #354 on: April 14, 2010, 01:09:00 PM »
noob question lang; posible bang magkaron ng aberya kung magpatattoo man ako, dahil sa henna eh naga-allergy ako, (butlig to be exact).

i have skin allergies pero may tattoo ako. wala naman nangyari. depende rin sa skin chemistry yun. its best to have a skin test muna or like what marzi said, tuldok muna.


Offline jeromelitos

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #355 on: April 23, 2010, 04:20:40 PM »
I just had a question guys. Nagpatattoo kasi ako mga 3-4 weeks na nakalipas, then nung nagbalat na sya parang nag fade agad. Yung sa ibang part eh halos nabura na.

What will be your recommendation mga sirs?

Love:



Rosary:





baka naarawan or binakbak mo yung mga langib nya.
i dont need sex! the government FCuks me everyday!

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #356 on: April 23, 2010, 07:26:47 PM »
Hindi naman boss, hinahayaan ko lang syas magbalat ng kusa actually. Naaarawan? Oo madalas.

Latest update: Naparetouch ko na sya pero ganun na naman nangyayari. Nagfafade na naman.

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Tattoos anyone?
« Reply #357 on: April 28, 2010, 09:34:52 AM »
^so yung balat mo na siguro ang hindi maganda ang reaction sa ink pre...may natandaan akong sinabi yung artist na nag tat sakin about the skins reaction to the ink..kung maganda daw balat ko, maganda labas ng kulay..
I turned myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline panterica

  • Board Moderator
  • *****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #358 on: April 28, 2010, 04:44:39 PM »
hindi siguro maganda yung ink na ginamit sa yo.
I know you would say that at for the record di mo ako kilala ROOKIEBOY. Tinawag kitang rookie at di lahat, IKAW LANG GET IT. Hanggang dyan ka na lang....puro cheap shots - Pallas

"Good artists copy, great artists steal"

Offline mambo

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #359 on: April 28, 2010, 05:46:03 PM »
Done by Konkrete Ink. :) hurrah for tangkilikin ang sariling atin. :D


dude, ikaw yung may tatoo? di ba sila issue sa pagiging arki? di ba discrimination sa job natin yun, or mahihirapan sa paghanap ng trabaho?
arki din kasi ako, kapatid ni ian ferido. ehh may balak ako magpatatoo sa arm.
« Last Edit: April 28, 2010, 05:47:50 PM by mambo »
DRUM ITEMS FOR SALE!! http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,192546.0.html

"Its better to live one day as a lion, than a thousand years as a lamb"

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #360 on: April 28, 2010, 09:52:24 PM »
^so yung balat mo na siguro ang hindi maganda ang reaction sa ink pre...may natandaan akong sinabi yung artist na nag tat sakin about the skins reaction to the ink..kung maganda daw balat ko, maganda labas ng kulay..

pwede rin siguro boss. pero nung nagparetouch kasi ako sabi sa akin ng artist normal daw yun eh. pero i doubt. and ngayon naniniwala na ko, "good tattoo's aren't cheap, cheap tattoo's aren't good." hehe.

hindi siguro maganda yung ink na ginamit sa yo.

yun din po sabi sa akin ng mga nakakakita and nung mga tropa ko. now i've learned my lesson. masyado kasi ako nagfocus sa price hindi sa quality. kaya on my next tat i'll definitely set aside the price thingy.

Offline konkreteink

  • Veteran Member
  • ****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #361 on: April 29, 2010, 03:34:26 AM »
I just had a question guys. Nagpatattoo kasi ako mga 3-4 weeks na nakalipas, then nung nagbalat na sya parang nag fade agad. Yung sa ibang part eh halos nabura na.

What will be your recommendation mga sirs?

Love:



Rosary:






sir mic-o-mics, marami po kasing pwedeng dahilan kung bakit nagfade yung fresh tat nyo. eto po ang ilan sa mga pwedeng maging fault ng artist kung bakit nangyari yan;

1. poor quality of ink, marami po kasing mga fake inks na kumakalat ngayon.
2. at kung mejo mamalasin pa kayo, lumang klase ng tinta pa ang gagamitin sa inyo (powder,indian ink, staedler/rotring ink,etc).
3. mali ang kasa ng needle na ginamit. may iba't ibang needle types po kasi na pwedeng gamitin, baka hindi sya familiar sa texture ng karayom na gamit nya.
4. hindi sya familiar sa machine na ginagamit nya, maraming ganyan lalo na yung mga baguhan palang nagtatato. may mga palpak at deffective po kasi na machines na kung hindi aware ang gumagamit, problema ang dala imbes na kita.
5. baka hindi ka nya nasabihan or naturuan sa proper care at safety precautions on taking care of your new tattoo.
6. hindi nya pinag aralan muna ang texture ng balat mo.

eto naman po ang mga pwedeng dahilan sa part nyo;

1. too much direct exposure to sunlight.
2. nakakamot nyo sya ng di sinasadya knowing bawal sya kamutin.
3. pinilit nyong tanggalin ang scabs nya.
4. nag swimming kayo between the 2-3week healing period.
5. nilalagyan nyo ng whitening lotion or moisturizer.

marami pang pwedeng maging cause sir, pero based on what i've seen on your photo, may kalakihan po kayo(chubby nalang para cute)mahirap po tusukan ang wrist part lalo na kpag fatty ang built. safest part na pwede nyong patatuan is your arm para mas soft textured. another thing is iba po kasi yung texture ng skin nyo sa wrist down to the hand based on the photo itself. mahirap po pasukan ng tinta ang ganyang texture.

ang haba ng litanya ko haha, pero sana makatulong ito para mabigyan kayo ng ilang tips at idea bago kayo magdecide na magpaburda. but most importantly, know your artist. wag mahiyang magtanong, makiramdam, and shop wisely.
and remember... tattoo is like an investment, magiinvest kaba ng mura at low quality na gamit?
bow
Konkrete Ink Tattoo Studio is located at #167 A.Bonifacio avenue, Taņong, Marikina City. for inquiries call or text us @ 0917-587-4873 or visit our Facebook page ( Konkrete Ink Tattoo Studio ). a good tattoo is not cheap, a cheap tattoo is not good...

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #362 on: April 29, 2010, 05:06:15 AM »
sir mic-o-mics, marami po kasing pwedeng dahilan kung bakit nagfade yung fresh tat nyo. eto po ang ilan sa mga pwedeng maging fault ng artist kung bakit nangyari yan;

1. poor quality of ink, marami po kasing mga fake inks na kumakalat ngayon.
2. at kung mejo mamalasin pa kayo, lumang klase ng tinta pa ang gagamitin sa inyo (powder,indian ink, [ice cream]/rotring ink,etc).
3. mali ang kasa ng needle na ginamit. may iba't ibang needle types po kasi na pwedeng gamitin, baka hindi sya familiar sa texture ng karayom na gamit nya.
4. hindi sya familiar sa machine na ginagamit nya, maraming ganyan lalo na yung mga baguhan palang nagtatato. may mga palpak at deffective po kasi na machines na kung hindi aware ang gumagamit, problema ang dala imbes na kita.
5. baka hindi ka nya nasabihan or naturuan sa proper care at safety precautions on taking care of your new tattoo.
6. hindi nya pinag aralan muna ang texture ng balat mo.

eto naman po ang mga pwedeng dahilan sa part nyo;

1. too much direct exposure to sunlight.
2. nakakamot nyo sya ng di sinasadya knowing bawal sya kamutin.
3. pinilit nyong tanggalin ang scabs nya.
4. nag swimming kayo between the 2-3week healing period.
5. nilalagyan nyo ng whitening lotion or moisturizer.

marami pang pwedeng maging cause sir, pero based on what i've seen on your photo, may kalakihan po kayo(chubby nalang para cute)mahirap po tusukan ang wrist part lalo na kpag fatty ang built. safest part na pwede nyong patatuan is your arm para mas soft textured. another thing is iba po kasi yung texture ng skin nyo sa wrist down to the hand based on the photo itself. mahirap po pasukan ng tinta ang ganyang texture.

ang haba ng litanya ko haha, pero sana makatulong ito para mabigyan kayo ng ilang tips at idea bago kayo magdecide na magpaburda. but most importantly, know your artist. wag mahiyang magtanong, makiramdam, and shop wisely.
and remember... tattoo is like an investment, magiinvest kaba ng mura at low quality na gamit?
bow

Boss, salamat sa mga malulupit na inputs mo, lalo na yung chubby para cute. Haha.

Inaalagaan ko naman ng mabuti yung tattoo ko, iniiwasan ko naman lahat nung nasa list nyo except minsan talaga naeexpose sya sa araw pero hindi naman grabe. Ako na rin mismo nagresearch online on how to take care of my tats, hindi naman kasi ako sinabihan ng artist sa do'd and don'ts except pahiram ko sya lagi ng petroleum jelly and sinusunod ko naman. Ayoko naman siraan yung artist pero feeling ko majority ng pagkakamali eh nasa kanya. Tsaka yung biro ko na kaya siguro kumukupas agad yung tinta eh dahil chubby at cute ako. Haha.

Siguro it all boils down to one thing na lang talaga, pagdating sa tattoo wag magtipid at dun pumunta sa subok at kilala. Kasi habambuhay na sya nasa katawan natin. Yun lang. Salamat ulit Sir Erwin.

Offline kozki

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #363 on: May 06, 2010, 03:02:23 PM »
my 1st tattoo..

 :-D

Peace, Love and Heavy Metal!

Offline ryantetek

  • Veteran Member
  • ****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #364 on: May 07, 2010, 03:35:49 PM »
^ ganda bro.Sino artist mo?Pa PM naman saka kung magkano rin inabot.

Offline mambo

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #365 on: May 07, 2010, 05:10:36 PM »
my 1st tattoo..

 :-D


pare binutas nya binti mo!!!huhuhu

joke lang. ganda ng pagkakagawa, parang connected talaga yung mga wire/ tubes lalo na dun sa part ng ankles! nice tats!
DRUM ITEMS FOR SALE!! http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,192546.0.html

"Its better to live one day as a lion, than a thousand years as a lamb"

Offline 6stringsamurai

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Tattoos anyone?
« Reply #366 on: May 07, 2010, 06:58:04 PM »
Here are some of my tats, wala akong pictures ng tats ko so ganito lang. aayusin ko rin yan pag may oras popost ako ng mas magandang pics.

left: day of the dead, shin and calf tattoo. black is a mariachi band of skeletons by Martin Caoile
middle: philippine tattoo, on my ribcage black by Niero Nievo
right: sparrow, colored by martin Caoile

more to come! :)


or this para mas malaki.
di ko naayos! haha
http://s241.photobucket.com/albums/ff304/whyaremyeyesred/?action=view&current=tatt.jpg
« Last Edit: May 07, 2010, 06:59:38 PM by 6stringsamurai »
sabaw sabaw!

Offline mambo

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Tattoos anyone?
« Reply #367 on: May 07, 2010, 09:26:39 PM »
Here are some of my tats, wala akong pictures ng tats ko so ganito lang. aayusin ko rin yan pag may oras popost ako ng mas magandang pics.

left: day of the dead, shin and calf tattoo. black is a mariachi band of skeletons by Martin Caoile
middle: philippine tattoo, on my ribcage black by Niero Nievo
right: sparrow, colored by martin Caoile

more to come! :)


or this para mas malaki.
di ko naayos! haha
http://s241.photobucket.com/albums/ff304/whyaremyeyesred/?action=view&current=tatt.jpg


 baliktad ata yung Pilipinas bro ah?


sayang naka negative ata yung dalawang pic
DRUM ITEMS FOR SALE!! http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,192546.0.html

"Its better to live one day as a lion, than a thousand years as a lamb"

Offline 6stringsamurai

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Tattoos anyone?
« Reply #368 on: May 08, 2010, 09:46:52 AM »

 baliktad ata yung Pilipinas bro ah?

sayang naka negative ata yung dalawang pic

yep  baliktad nga siya bro, kasi may rule na dapat palabas mga tattoo hindi pabalik, lalo na kung may mukha so yun. okay lang naman siya Pilipinas parin. :D

Onga e, hindi ko kasi pinipicturan mga tattoo ko pero baka gawin ko na para post ko dito.

Magbubukas ako ng tattoo shop in a month or two sa Cubao expo, daan kayo. 2 floors siya, first floor Kebab kainan sa second floor yung shop ko.
sabaw sabaw!

Offline palaka

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #369 on: May 08, 2010, 11:27:41 AM »
Chris Garcia, renowned Filipino tattoo artist based in Virginia Beach, will be moving to Las Vegas.  Contact him at:  chrisgarciatattoos.com










 :mrgreen:
galing ni sir chris

Offline palaka

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #370 on: May 08, 2010, 01:36:50 PM »
additional! dun sa post ko

eto luma april 4 2007, na burda
http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,29862.135.html



eto bago lang,
may 14. 2008



sir sinu po artist nito?

Offline ixyasa

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #371 on: May 19, 2010, 08:57:29 PM »
share ko lang  :-D just had it done last sunday  :-) my wife and son's name on ambigram.. "aprilgail" / "alexander"
« Last Edit: March 07, 2012, 09:04:36 AM by ixyasa »

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #372 on: May 19, 2010, 09:06:58 PM »
share ko lang  :-D just had it done last sunday  :-) my wife and son's name on ambigram.. "aprilgail" / "alexander"





ganda tsong. san mo pinagawa? magkano?

Offline ixyasa

  • Senior Member
  • ***
Re: Tattoos anyone?
« Reply #373 on: May 19, 2010, 09:56:46 PM »
@ mic-o-mics - sa bahay lang yan dre, pinapunta lang namen ung artist, si "EHDZ", taga-Olongapo na dating pumepuwesto sa Greenhills.. ung ambigram ako lang naglayout sa Corel tas prinint ko, kaya stencil na lang cya at tinta. ung background pinagaya ko lang sa nakita ko sa magazine.. kung original price daw baka umabot ng 7K, pero since tropa me discount..  :-D

Offline hardc0d3r

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Tattoos anyone?
« Reply #374 on: May 21, 2010, 10:35:04 PM »
mga bossing.. pinagiisipan ko magpatato.. naghahanap pa ko ng design.. magkano kaya ang magpatato? yung may kulay.. iniisip ko koi e.. hindi lalaki ng 1/4 ng likod ko yung size...

salamat.. gaganda ng mga tattoos!!!