Ako si Lorkhan isang NEWBIE sa Philmusic na naka base sa Taif Saudi Arabia.
Isang Araw sa office: Nag hahanap ako sa (Classifieds: Guitar accessories) ng guitar wireless system, then nakita ko ung post na ito na worht 9,000 php for a Line6 g30 wireless relay.
ang ginawa ko, syempre ung basic na ginagawa ng isang customer, mag tanong, mag review sa item, mag msg sa seller at kung ano pa, at ang huli tawagan ung seller,
by the way, involve ung pinsan ko dito, kasi sya ung inutusan ko makikipag meet at magdadala ng pera sa seller, kasi nga nasa SAUDI nga ako.
nag usap at nag katawaran na kame ng seller, at nag kasundo sa 8k for pickup, not for meetup.
take note: nag overseas call ako sa kanya para lang ma confirm na sure buyer ako.
nag kasundo kame sa setup at price na tinawad ko sa item nya, nag sabi pa ang seller na "paki bilis lang at wag sanang abutin ng thursday" so binigay ko lahat ng ditalye ng ka deal ko sa pinasn ko at nakipag arrange agad, at bilin ko sa pinsan ko na pag nakuha ung pera tawagan agad at puntahan ung anak ng bakokang na ito kasi mukhang wala atang pera at namumulubi na, at ang dimuhong seller nag offer pa na i transfer nalang ung pera at i lbc nalang ung item, para mabilis daw, WTF, syempre di ko ginawa un,
so na itransfer ko na ung pera worth 8,000 sa pinsan ko on that afternoon saudi time, so kinabukasan ng umaga nakuha ng pinsan ko ung pera, eto na, eto na si kulangot na seller, tinatawagan ng pinsan ko para malaman kung san ung exact location nya para puntahan, nag msg pinsan ko sakin ng morning sa pinas vai FB, sabi ng pinsan ko naka patay ang phone ng ka deal mo, aftr kong mabasa ung msg ng pinsan ko ng 8am morning saudi time, dali dali kong tinatawagan at nag tetext kay kulangot na seller para lang malaman nya na tuloy ung deal namen, ang dimuho di sinasagot ung phone nya, hanggang 1pm saudi time, hanggang nag text ako na "Brad cancel ko nalang di ka nasagot sa tawag namen", at may sinabi pa ako na "[grape] ka brad, wala kang isang salita, naka sarado natayo eh, [grape] ka nag church ka pa naman,
at nakita ko ung post ni kulangot na SOLD na.
tanong lang mga boss, 1. MASAMA BANG TUMAWAD SA BIBILHIN MO NA USED ITEM
2. LOWBALLER ang matatawag sakin eh 1st offer ko 7,5k, nag refuse sya at nag stick sa 9k, tpos nag offer ulit ako ng 8k for my last price, ni-reject mya ulit, so nag reply ako ng "ah ganun po ba boss, salamat nalang" after that, nag msg sya ulit at nag agree sa 8k for pick up. kung lowballer ako, dapat dina sya nag reply sa last msg ko. tpos ang usapan namen.
3. Masama bang malaman ng buyer sa seller na may biglang nag offer na mas mataas na price kaysa sa tawad ko?
4. Masama bang sumagot sa telepono lalo na at may ka deal kang tao nag aantay ng sagot kung tuloy ba ang deal o hindi?
5. Ganito po ba ang ginagawa sa mga newbie na katulad ko? or sa ibang mga newbie din? senior member pa naman sya.
Moral lesson: Buti nalang di ko na itransfer ung pera direct sa kanya, kung hindi naitakbo nya ung pera ko at naibenta pa nya sa iba ung item nya,