Haha! Sino dito yung may yero na cymbals galing sa mga Fernando/Lazer/Trak drumkits nila? Ganito ang perfect recipe para sa isang
ULTIMATE LATA TRASH STACK:
1. Ihanda ang latang Fernando na crash at hihat pairs.
2. Paglaruan ang Fernando crash, itapon ng itapon, martilyuhin, ipitin, etc. hanggang sa mayupi at magmukhang Zildjian Trashformer, pero iwasan mong mapunit! Kung gusto mo, pakulayan mo pa ng violet.
3. Ilagay sa cymbal stand ang crash, at ipatong ang isang pirasong hat ng Fernando. Pwede rin na maglagay ng hat sa ilalim ng crash for shorter sustain.