halos lahat na product these days lahat na made in china from laptops to celpones etc...
Syempre, mura lang pasweldo sa mga laborer e
Anyway, kakaiba ang experience ko recently sa effects setup ko...
nagkaroon kasi ako months ago ng murang wireless transmitter galing sa kapwa forumite natin (si zildjianmehraj -- mabait na tao yan mga sir!). then a couple of months later saka ako nagpa-scalarize ng Zoom G2.1u kay sir BAMF.
Recently lang ako nag-experimento ng effects setup para sa live setting. Kinailangan kong mag-wireless, kasi may sinalihan akong BOTB sa school namin (nyehehe!!)
Edi ayun, ginamit ko si wireless transmitter. As expected, may "loss" sa signal, especially sa 'gain'. So para ma-solve yun, nilagay ko yung modded DS-1 sa pinaka-harap ng chain, naka-'overdrive clip' (a.k.a. tube screamer mode sa BAKEMONO mod ni BAMF); and GE-7 sa huli ng chain para ma-tweak yung frequencies.
Ang weird part: yung dirt sound ko, kinuha ko
both from the DS-1 AND Zoom G2.1u. At maniwala kayo sa hindi, PEAVEY DRIVE pa yung ginamit kong patch sa drive parameter. (ee usually fizzy ang tunog ng peavey drive ng zoom g2.1u di ba..) Pero hayun, nagandahan ako sa tunog nya -- sakto pa sa bagsakan namin para sa BOTB (nag-Bon Jovi kami nun haha.)
Maganda pa diyan, nagamit ko rin ng husto yung noise gate ng Zoom G2-1u para ma-control yung kaunting excess hum (since wireless transmitter nga kasi).
Then days ago nagtimpla naman ako ng rectifier-sounding disto (pang-metalcore) para sa isa kong band (me tutugtugan kasi kaming anime con mamaya sa UP diliman) nung nag-practice kami. Nakuha ko din yung gustong "chug chug" na tunog sa band setting namin (BG drive naman tinimpla ko; tapos onting kalabit sa DS-1 at sa GE-7).
Kung may time ako, try ko mag-record dito sa PC ng mga samples nug timpla ko, kaso wala lang oras, busy sa majors eh. ~_~
Anyway, ayun based sa experience ko: try nyo maglagay ng 'TS'-type na overdrive (pwede rin siguro BOSS SD-1 tsaka DigiTech Bad Monkey? pero di ko pa na-try) sa harap ng chain, tas equalizer pedal sa dulo. Then tamang gain both sa overdrive analog pedal nyo AT sa Zoom. Noong una talaga, hate na hate ko yung PEAVEY DRIVE ng zoom; pero ngayon #1 ko na siya hehe! Try nyo, baka magwork din sa inyo. Nasa timplahan din talaga yan.
Onga pala, isa pang tip: invest na din kayo ng magandang quality na guitar cable (yung low ang capacitance). Pramis, ANLAKING DIFFERENCE na nagagawa nito. Gamit ko ngayon yung La Grange cables (nabibili per metro sa Audiophile), tas Amphenol L-type tips.
\o\ |o| /o/