kadalasan kasi, may nakikita o napapanood tayong drummer sa sa internet na napakagaling that we woder "bakit hindi sikat itong drummer na ito?!?!"
share niyo naman dito kung sino.
sa akin, ang mashe-share ko pa lang for now is si rodney holmes. relatively, hindi pa rin siya ganun ka-sikat. and i can't stress enough kung gaano kagaling itong si rodney. the definition of "all-around drummer" sa opinion ko.
kayo naman..
peace!
Rodney Holmes? Magaling nga sya...Siguro dahil hindi rin gaanong sikat yung Steve Kimock band kaya hindi sya popular.
Pero actually, etong si kuya Rodney ay dating drummer ng SANTANA, unfortunately nasibak sya sa grupo (o kusang umalis?) at may mga intriga pa sa pagitan ng ilang member ng band matapos na umalis sya sa poder nina Mang Carlos.Parang nasira ang reputasyon nya sa nangyari. (reference:modern drummer)
Pero para sa akin, sikat na din sya dahil madami syang ine-endorse na drum gears e.(Tama & Meinl)at napapasali sya sa mga drumming events.
So, ibig sabihin may impluwensya sya sa drum world kaya sya nakuhang endorser.
Iba lang talaga pag sikat din yung band na pinapaluan mo,kahit di ka gaanong mabangis technically, bastat malagyan mo lang ng tamang bagsak yung tugtugan at malakas ang charisma ng buong banda, damay tayong mga drummer dun!
Madami pang magagaling na drummer na hindi naman sumikat tulad ng mga studio sessionist.Kalimitan kasi sa kanila sa recording studio naka tutok. Kung may kopya kayo ng "Commandments of R & B" Book/CD ni Zoro, madami dung mga studio greats na hindi naging household names,tulad ni Clyde Stubblefield.(medyo sikat pa yan!)
Ilan sa mga gimik para sumikat at magka extra income ang drummer ay ang pag gawa ng instructional books,videos,at cds.
Dun ko na encounter ang mga pangalan ng madaming drummer na magagaling pero hindi ko kilala, kahit yung band na tinutugtugan e familiar.(Akira Jimbo,Thomas Lang,Stanton Moore,Zoro himself! etc)
So, sana sa atin sa pinas e magkaroon ng ganitong raket- instructional video,cd,books by pinoy drum masters!
....kaya lang dapat huwag na tayo maingay kung bumibili tayo ng mga pirated products!
:-D