walang paki yun kung ano ang tone mo, pag nagustuhan nun ang songs mo dagdag na sila sa maglalagay ng pera sa bulsa mo..
yes iba naman ang musicianship
ang gitara parang singer yan. ang hinahanap natin lahat yung wide ang range. so yung mga magagandang gitara, yun supposedly ang malawak ang range. maganda tumunog. hindi naiiba sa singer. hindi ba't ang mga singer na malalawak ang kakayahan ay pinupuri natin ng husto? -- ganun din sa gitara.
now minsan ang singer sobrang taas ng range na mala mariah carey na parang ibon na sumisipol.
yung mga gitara na magaganda ang resonance yun ang may mga "secondary at tertiary harmonics" or something like that. ang mga characteristics na eto ang hinahabol ng iba. yung mga mabote, glassy, sipol, quack, chirp, whatever...yun yon. hindi madali makita ang mga eto sa lesser guitars. again its like comparing a mariah carey to a lesser singer. they're simply at different levels.
hindi naman sa hindi mo mahahanap ang mga yun sa cheaper guitars, its just that mas madaling kunin yun sa mga mamahalin na gitara, dahil lesser ang chance nadead ang tunog (pili na kasi ang kahoy at materyales) and usually pag may "cheaper" guitar na maganda (tsamba) hindi na pakakawalan ng may ari yun.
yung mga singer na magaling like mariah or celine dion, marami ba sila? nope. ganun din karami ang magandang gitara.
pano kung pareho ang level ng mga singer, dyan na papasok ang preference. feminine or masculine voice? coarse na powerful or sweet voice? etc etc. i believe you can only compare two things if they're at the same level. you can't compare guitars from different levels kasi para kang nag compare ng ferrari to a toyota corolla.
again yung pagiging musician, ibang usapan na eto. hindi pwede i equate kasi that would be comparing driver skills to cars. 2 drivers of equal ability on the same race track, lahat pareho except the cars. ilayag mo yung isa sa sa stock corolla, at yung isa sa stock na porsche, who would win?