wowo napanood ko yung 2 tascam sample vids. panalo na sya ah!
question lang sir. pwede po ba magrecord ako ng isang drum cover, say naka earphones/ipod ako para hindi marecord ng tascam/zoom yung music. kumbaga drums alone lang yung rinecord ko, then mayamaya wanted to combine both...
softwares and pc's na po ba bahala dito to fuse the drums and the rest together?
thanks for the help!!
pwedeng software and pc... pwede din namang yung recorder.. kung gusto mo mapaghiwalay yung original at yung drum parts lang, pwedeng record mo lang ung drums tapos pc/software na bahala.. Meron din namang mga recorder na tumatanggap ng dalawang inputs tapos simultaneous 2 track recording.. meron namang iba na isang track recording lang pero pwede ka mag overdub (so yung original ang overdub.. Depende din sa capabilities nung recorder kung pwede ka magbounce sa isang track (basically pagsasamahin mo ung dalawang track).
Hindi ko lang alam kung may locally available na tascam dr1 sa pinas... Pero kung ako papipiliin, mas gusto ko ung tascam dr1 kaysa dun sa zoom h4/h2.
Nga pala, maganda yang iniisip mo na irecord ung tugtog mo for improvement purposes - yan din ung isa sa mga reasons ko why I wanted to record.. It's a very humbling experience.. Dati sa pandinig ko parang ok na pero nung nirecord ko, ang pangit pala.. hindi pantay pantay ang tunog, wala sa timing, at iba pang mga problems... Lalo na sa hihats, and yung pag line up ng mga notes.. hindi ganung kadali pagandahin.. Hihat, snare and kick lang na pagagandahin (consistent, even, on time) ang tunog, sobrang hirap na.. Pero recording lets you know saan yugn problem and dun magfocus...
BTW, kung meron kang isang dynamic mic and gusto mo lang sumubok magrecord, try mo lang ikabit sa computer mo via the line in tapos download ka ng audacity then pwede ka na magrecord dun.. I've been meaning to document some things na pwedeng gawin with this setup pero walang maiallot na time kaya hindi ko magawa.. he hehe...