Since 5 years old ako, mahilig ako sa lego. Simula sa Lego System, nag-evolve sa Technic, hanggang sa Mindstorms. Tapos nandyan ang mga rainbow-colored na MOCs kasi yun lang ang meron na parts. haha. Tanda ko ang mga last purchase ko (o ng parents ko pala. haha), yung mga early star wars sets (early 2000's).
Then naging busy na sa school at videogames. Dumating na "dark ages" ko sa lego. haha. Naimbak na sa bodega ang mga lego ko.
Nung college, natuto naman ako maggitara at napahilig sa music. Nagbanda. Pero nung lumaon, naging busy nadin. So pati ang pagtugtog, nagka-dark ages. haha.
Ngayong nagtatrabaho na ako, naisipan ko magbalik-loob sa paggigitara. Nung birthday ko, bumili ako ng electric guitar bilang regalo sa sarili ko. Mahirap na desisyon kung ano ang bibilhin. Sa paghahanap ko, parang feeling ko andami ko pala gusto bilhin. At kahit nung nakabili na ako, parang di parin ako kuntento. Ito na ata ang pagtama sakin ng tinatawag nilang GAS. haha.
Biglang niregaluhan ako ni girlfriend nung birthday ko. Pagbukas ko, lego. Bumabalik lahat ng childhood memories ko. Gusto ko hukayin sa baul ang mga luma kong lego. Gusto ko bumili ng mga bagong sets. Parang kumakawala na ako sa dark ages. (sadly, di ko makita yung mga luma kong lego
)
Sa pagtatapos ng dark ages ko sa lego, inaatake naman ako ng GAS. Parehong magastos! Anghirap maging mahirap. hahaha