yung 2 pc punk ska band ko dati 3 pc.
nag ka tour(naks) kami sa norte for 5 gigs/5 days straight.
so praktis kami ng praktis, tas akala namain go lang yung bassist.
pagdating ng araw ng byahe, biglang nawala.
siste, kaming dalawa ng drumer nag ala white stripes.
punk ska na duo. oh ha?
nagpakalasing, nagpaka saya na lang kami sa mga gigs.
memorable yung sa mfpi(mountainerring umbrella org sa pinas) mid year climb sa tarlac. halos hubo na kami tumutugtog,dami chikas, dami alak, dami pulutan, dami jutes. taena woodstock. saya! dami ding banda na ug from tarlac, pampanga at manila. dami tao kasi mga mountaineering orgs sa pinas pumunta e. well madami din tents so, dami kami 'napasukan" nung drummer. hehe.
yung next memorable yung sa cagayan.
since taga dun ako at pista sa aming munting barangay, sabi ko sa drummer ko tara inuman. so mga 7am nasa inuman na kami.as usual baha pulutan, baha alak.baha din ng lasing na kamag anak. ending ng kwento sa bahay ng tito ko, nag away away kami magkakamag anak na lasing. shocked na shocked drummer ko kasi kahit taga pasay sya at sanay sa mga kumag dun, di nya akalain na mag rarambulan kami sa inuman. tough love kasi sa aming pamilya lagi. gin pa naman ang paborito ng mga ilokano relatives ko.hahaha.
after nung inuman, hugas kami sa isang videokehan dun din sa barangay. andami ng lasing since hapon na to. di ko kilala. pinag ti tripan drummer ko kasi tisoy na madaming tattoo. naririnig ko balak bugbugin. tsaka hinahasel na kami sa kanta namin. ayaw na mag bigay ng mic. yung isang pinsan na kasama ko, sabi nya ano babaragan ko na ng bote. so tumayo. biglang list yung mga lasing sa ibang table(mga 20 siguro), tayuan lahat. biglang ingay, may tumatawag na agad ng resbak. kaming 3, naka hawak ng bote ang nakikipag ngaratan. sabi ko sa drummer kahit na anong mangyari, wag aatras. pero kung may pagkakataon tumakbo.
.
ending ng kwento, dumating ang resbak nila. turns out mga batang pinsan ko na matagal ko na di nakikita yung mga mokong na nag titrip. hahaha. badtrip.
so natuloy gig namin sa tuguegarao, sabi ko sa organizer gisingin na lang kami pag kami na kasi wasak na wasak na kami e. kasabay ng summer slam yung gig btw. so nung turn na namin, e di set up. tas intro intro ako sa mga tao. pakilala, tas mga pasalamat. napapansin ko lahat ng tao nakahawak ng cellphone at nag tetext, oblivious sa sinasabi ko. haha. well, tinanggal ko sapatos ko tas sumigaw sa mic" kung gusto nyo ng sikat na banda na mga papogi, sa summer slam kayo pumunta". hahaha.
ayun. after ng gig na yun, ayaw na pumalo nung drummer sa mga banda ko kasi lagi daw may away. pero friends pa din kami. actually baka mag reunion.
yung prod na tinugtugan namin, haha well.oh well.okay pa naman sila afaik.
Disclaimer: We were never a musically gifted band. But we made sure rock and roll is never taken for granted. Haha.