^tsk sa drum set palang tatlo na
what if using software like cubase irecord ko na lang sila isa isa using one or two mic directly to PC?
Eto sir based solely on experience, although talagang barebones demo mode yung resulta:
nung college ako wala pa akong pera, ang meron lang ako electric guitar at bass. ganto ako nagrecord ng full band demo:
1. download ng free software drums. tunog drum machine obviously, kaya dun sa panning and effects nya, tinimpla ko para tunog mas realistic at stereo drums effect.
2. program drums. pag na-program na, export to wav file (kasi demo version lang).
3. download ng REAPER. ito yung DAW ko hanggang ngayon.
4. ilagay sa isang track yung wav file na galing sa drum machine.
5. kuha ng gitara, lagay ng 1/4" to 18" adapter, tapos saksak sa mic/line in ng laptop
6. gamit ang free VST guitar effects, nagrecord ako ng guitar parts.
7. lipat cable sa bass, record ng bass gamit pa rin yung mic/line in ng laptop
8. bili ng cdr-king na PC mic. hindi yung parang pang-PA, yung parang maliit na karaoke mic shape
9. dinala ko yung kabanda ko sa loob ng kotse na patay yung aircon tapos nagrecord ng vocals
10. dalawang buwan i-autotune yung vocals
11. i-mix gamit ang free VST effects (SIR Impulse Reverb I love you)
12. export, iupload sa soundcloud (check mo sir yung number1_e na song sa link ko, yun ito)
Total mics used: 1
Ang kaso sir sa samson G7, ok lang for vocals, tityagain lang sa EQ, pero sureball sabog yung drums at gitara nyan. walang headroom yung mga USB mic na yan kasi mataas yung built in gain nya. by the time na mahanap mo yung right spot sa kwarto na hindi magcclip yung signal, puro room sound na lang ang mapipickup.
Kung ako sir at super limited talaga ang budget, bibili ako ng isang interface, tsaka isang condenser mic (AT2020 talaga para sakin). tiyagaan sa mic placement, especially sa drums (pero good luck ang hirap nun, di pa ako successful sa one mic drum technique), pero at least covered lahat. kung hindi condenser, Audix i5. Sorry sa SM57 fans, pero mas matinis yung voicing ng i5 kaya mas cymbal friendly pag gipit talaga.