Hello mga master. Pagpasensyahan nyo na po yung tanong ko sobrang noob parang g*go lang talaga. Matagal na akong may gears kaso hirap ako makuha yung gusto kong output.
Simple lang naman sana ang gusto ko. Tipong pang youtube sana.. may kanta, may acoustic.. may video. Kaso hinding hindi makuha yung output na gusto ko. Laging feeling ko eh hindi maganda yung tunog kung hindi "wet" yung ginagawa ko.
Eto pa, hindi ko alam kung overkill masyado yung interface ko sa gusto kong gawin.. dumadating minsan sa point na nakaka frustrate..
To give you a glimpse sa gusto ko ma-achieve eh eto po yung ilan sa mga gusto ko sanang output >
Kahit manlang sana hindi ganyan kalinis muna kasi hindi naman treated yung kwarto ko pero sana kahit papano eh makuha ko yung ganyang output. Nangyayari kasi eh laging bitin yung tunog ng nagagawa ko. Masyadong malaki ang headroom ata yung term (ng output ko)? Ang alam ko lang is sa gusto kong gawin, mas ok kun ghindi naka line in yung instrument at sa XLR lang dadaan. Nasubukan ko na din mag multi tracks kaso parang ngayon eh mas trip ko yung may vid kaya mukhang malabo na paghiwalayin ko pa sa magkaibang tracks yung boses at instrument.
Sana mga master matulungan nyo ako
Feeling ko eh overkill para sa akin tong interface ko para sa gusto kong output.. o siguro bano lang talaga ako. Minsan gusto ko ng ihagis tong mga gamit ko sa sobrang frustration. haha
Thanks in advance po at sana matulungan nyo matupad tong munting pangarap ko.
Gears:
Interface: Line6 Toneport Ux2
Mic: MXL 990
DAW: Reaper
Monitors: Wala pang speakers, tyagaan muna sa superlux headphones.