halos 2 years din ako nag motor during rush hours mapa edsa, c5, roxas blvd kasi pasig pa work ko nun. May mga tao lang talaga na akala laging pasok yung singit. E kaso natyempuhan isang beses, 100% di na uulit yan. Patay na eh. May mga iba nga 40 na yung takbo, nag fifilter parin. Ako yung ninenerbyos. haha! May iba naman, porket naka motor, ayaw luminya, pinipilit sumingit. Ang isa sa lagi kong iniisip, kung di ka papasok, wag kang humarang, kasi nadadamay nasa likod mong nag fifilter din. Tsaka mas madali ka masagi ng ibang sasakyan kapag nagbabad ka sa tabi nila or kanto, or whatevs. basta wag magbabad, kung papasok, ipasok na, slow in fast out, kung hindi kaya, luminya nalang.