Hi guys!
Di ko na alam kung saan pa magtatanong kaya dito na lang baka may makasagot sakin.
I have this skin condition, some really bad scaling that looks ugly AF. Pumupunta ako sa mga derma, minsan yung derma sa ospital pa.
Naiinis kasi ako pag magcoconsult ako titingnan lang ng literal 5 seconds tapos wala pa akong sinasabi kahit man lang history or symptoms kahit nga pangalan ko eh, nireresetahan na ako. Sa unang dalawang derma na kinonsulta ko mali yung binigay (malamang, saglit na tingin lang eh) so yung pangatlo yung nakatama, pero temporary lang tapos bumalik ulit.
Recently pumunta ako sa Medical City pa, tapos since may health card naman ako may binigay sakin na pangalan, so punta naman ako, thinking na oy eto health card na to tapos resident sa TMC, siguro legit na to.
Medyo matagal naman yung tingin nya para sa derma mga 1 minute naman, tapos biglang sabi, kelangan injectionan to, 1.5K isang shot, mga lima kailangan. Tapos Cetirizine daw, sa clinic lang daw nya available. Tapos biglang binigyan ako ng request for allergy testing. and while all this is happening, nagkukuwento ako ng history ng ailment ko tapos for every detail nag-iiba yung diagnosis nya, pero hindi naman nag-iiba yung treatment.
1. di mo alam yung kwento tapos paiinjectionan mo, baliw ka ba?
2. sasabihin mo yung Cetirizine sa clinic mo lang available? eh umaapaw ng Cetirizine ang Mercury Drug!
3. bakit ka magrerecommend ng treatment for allergy (Cetirizine is an antihistamine) kung di mo pa nga alam kung allergy kasi kakasulat mo pa lang ng request for testing!
sawang sawa na ako sa mga halatang namemera lang na derma, kailangan ko ng TUNAY NA DOKTOR na may specialization sa pinakamalaking organ sa katawan ng tao.
salamat in advance sa mga payo nyo