^ Wait, wait, wait... Di ako magaling sa techie terms eh. So baka magkaibang intindi tayo..
**Warning: I'll use the word "track" a lot. Baka ma-annoy ka.
Hmmmm, let's start this way. I can record 8 tracks simultaneously. Works well with me as a drummer. Nakukulangan lang ako sa phantom power which is applicable to 2 channels only. Gusto ko sana ng isa pa para sa hi-hat condenser mic, bukod pa sa 2 overheads condensers. I can't record 16 tracks simultaneously unless the first 8 tracks are already recorded.
Next, may switch button don sa R16 na nagtatanong kung 1st to 8th track yung gagamitin mo o yung 9th to 16th track. Magagamit mo to kung stand-alone R16 ang gagamitin mo for recording. Walang laptop, DAW, etc..
Ex.
Let's say a drummer, nag record siya ng part niya, kailangan niya ng 8 tracks for the whole kit, kailangan niya pindutin yung switch na nagsasabing pang 1st to 8th track yung gagamitin niya. Alam mo naman na drummer, lots of mics, lots of tracks needed.
Ngayon eto, turn naman ni guitarist mag record ng part niya, since nagamit na yung 1st to 8th track ng drummer, kailangan niya pindutin yung switch na nagsasabing sa pang 9th to 16th track na siya magrerecord. R16 has only 8 xlr/line-in inputs, so kailangan tanggalin ni drummer yung mga drum mics na nagamit niya di ba? Pwede ka nang mag line-in ngayon ng gitara para mag record ng guitars of any track sa 9th to 16th.
Hindi mabubura o mapapatungan yung narecord ni drummer kasi ang ginamit niya si 1st 8, tas si guitarist ang gagamitin niya yung 2nd half ng 16.
Going back, 1 track lang naman gagamitin ni guitarist di ba? Let's say yun yung 9th track, pwede siyang may kasabay na mag record on the succeeding tracks. Pwedeng kasabay na niya si keyboardist, bassist, vocalist, kasi may remaining tracks pa naman na di nagagamit. Thanks to that button that asks kung sa anong tracks ang gusto mong gamitin.
Yung example na binigay ko is yung kayang gawin ng R16, stand alone. All can be recorded through an SD Card.
Now this, gusto mo ng may DAW para mas swabe at pulido recording. Same lang rin halos sila ni stand alone mode, makakapagdagdag ka nga lang ng effects through DAW and mas easier ang pag edit ng parts especially pag kinailangan nang lagyan ng compressors, kailangan mag cut, etc.. Anyway, just like sa studio recording talaga, kanya kanyang record ng parts pa rin. Kahit abutin ka ng 24 o 32 tracks o more than pa, ayos lang. It's never ending. Assign lang ng assign ng gagamiting track. This can be recorded and saved directly sa DAW mo, no need for SD Cards.
Sana na-explain ko ng maayos. Gets mo naman na siguro yung iba since may album naman na ata kayo ng midnight meetings.
Yung Scarlett maganda talaga! Pero parang mas gusto ko yung bagong labas, Clarett. GAS attack nga pero kakaGAS ko lang tsaka okay pa naman ako sa R16.