Stories kamo?
Well...
Nung una kong nakatugtog si Arthur Manuntag (the best male jazz singer in the Philippines, bar none), di ko alam mga 70% ng pondo niya.
Unang ikot ng kanta, sinisipra ko ang takbo ng chords.
Pagtapos ng unang ikot, solohan na. Eh, ako halos lagi ang unang solo... so after one round of the song form, kailangan alam ko na yung kanta.
Puro instant sifra.
I must've learned around 20 songs on the bandstand in one night... each night... every gig... for a couple of weeks.
Out of those 20 songs, sa mga tatlo o apat na kanta lang ako na-stump. Took more than one pass to learn the songs by ear. Siguro mga dalawa o tatlong ikot. Habang sumosolo yung pianista o si Arthur, dinadale ko yung mga section na di ko nakuha nung mga naunang ikot.
Ayun.
Nung una rin akong sumampa sa Freeverse, di alam mga 80% ng pondo nila. Sinipra ko rin sa entablado.
Pati nung sumampa ako bilang sesyonista sa Elements, ganon din.
Pero yung pinaka-wild na sipra experience ko nangyari sa bahay ng isang kaibigan ko. Dun kami di natulog. Tamang sipra kami/ako non. Sinipra ko lahat ng album na pinatugtog niya.
Sinipra ko album ni Robben Ford, isang video ni Sting, dalawang kanta ni John Mayer, karamihan ng kanta sa 2nd album ni Cynthia Alexander, Yellowjackets, at marami pang iba.
Tas sobrang trip ko nang sumipra nang sumipra, pati yung mga togs sa TV, pati yung mga commercial, sinipra ko.
... hanggang umabot na sa point na psychic sipra na.
Bago pumasok yung tono ng commercial o ng theme song sa tv, huhulaan ko yung key o yung unang chord...
At ang wild... nadadale ko!
![lol :lol:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/haha (2).png)
Pagtapos non, kinabukasan, may ensayo kami sa Praktistasyon (isang rehearsal studio sa makati). Maaga kami dumating don. Kami yung pinaka-maaga.
So habang hinihintay namin yung mga kabanda namin, sinipra ko na rin yung mga kanta ng ibang bandang nag-eensayo sa kabilang kwarto.
He he he....
At ang kwela, psychic sipra pa rin! Hinuhulaan ko yung key (o unang chord) ng susunod na kanta bago pa man nila tugtugin. And eight out of ten times, i'd be right!
![lol :lol:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/haha (2).png)